Magkapatid na artistahing porter, binahagi ang nakakatunaw ng puso nilang kwento

Magkapatid na artistahing porter, binahagi ang nakakatunaw ng puso nilang kwento

- Agaw pansin sa social media ang larawan ng magkapatid na porter sa Iloilo city

- Marami kasi ang nakakapansin sa kagwapuhan nila na tila di raw bagay ang maging kargador sa mga ito

- Binahagi nil ang kwento ng kanilang buhay at kung paano naging maayos na ang lahat lalo na sa pagitan nila at ng kanilang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinadya raw talaga ng programang Rated K ang magkapatid na sina Ar Ar at Gordon Delima mula nang maging usap-usapan ang larawan nila sa social media.

Sa post ng blogger na may pahinang Yanstoppable Shoutouts sa Facebook, binahagi nito ang kuha kay Gordon habang siya ay nagtatrabaho bilang porter sa Ortiz Wharf sa Iloilo City.

Nalaman ng KAMI na 19 anyos na si Ar-ar nakatatapos lamang ng senior high school at ang kapatid naman niyang si Gordon ay Grade 9 na sa pasukan.

Sideline lang umano ng magkapatid ang pagbubuhat. Bandang alas singko ng hapon, araw-araw, pinapayagan sila ng Ortiz Wharf na maging kargador.

Di lamang ito ang kwento ng buhay ng magkapatid. Di pala naging madali para sa kanila ang buhay lalo na noong sila ay mas bata pa.

Lumaki lamang sila sa piling ng lolo at lola at tiya na mga nagpalaki sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mas masakit kay Ar-ar ang mga nangyari dahil wala pang isang taong gulang siya noon nang iwan siya ng kanyang ina para makapagtrabaho sa Maynila. Kaya naman lumaki si Ar-ar na hindi pa nakakasama ng maayos ang ina.

Nakasama naman ni Gordon mula't sapul ang ina. Ngunit noong siya ay 13 taong gulang na, inuwi na rin siya ng ina sa Iloilo dahil sa problemang pinansyal.

Kaya naman rumaraket ang dalawa bilang kargador upang may pandagdag sa mga gastusin nila sa bahay.

Masasabing bukod sa magandang mukha, may kasipagan pang taglay ang dalawa.

Sa ngayon, maayos na ang relasyon ni Ar-ar sa kanyang ina na kapiling na rin nila sa Iloilo city.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Gorgeous Pinay celeb moms and their fabulous OOTD snap by the pool

5 Gorgeous Pinay celeb moms and their fabulous OOTD snap by the pool

5 Gorgeous Pinay celeb moms and their fabulous OOTD snap by the pool
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel