Huli-cam! Dalagang lasing, basta na lang iniwan ng 2 lalaki sa 1 tindahan

Huli-cam! Dalagang lasing, basta na lang iniwan ng 2 lalaki sa 1 tindahan

-Basta na lamang iniwan ng dalawang lalaking nakasakay sa isang motorsiklo ang isang dalaga sa Camarines Sur

-Napag-alamang lasing ang dalaga nang madatnan ito ng mga awtoridad habang pinalilibutan ng mga tao

-Nang magising, hindi naman maikwento ng dalaga kung sino ang dalawang lalaking nang-iwan sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sapul sa isang kuha ng CCTV ang pang-aabandona ng dalawang lalaking sakay ng single na motorsiklo sa isang babae.

Ayon sa report ni John Consulta sa GMA News TV, nangyari ang insidente sa tapat ng isang convenience store sa Ocampo, Camarines Sur.

Kita pa ang paghinto ng mga ito, ang pagbaba ng backrider sa dalaga na hirap na hirap tumayong mag-isa.

Kita pa nang mapahandusay ang dalaga sa semento nang pagtulungan itong akayin ng dalawang lalaki.

Pagkatapos ay basta na lamang iniwan ng mga ito ang babae sa isang upuan sa tapat ng tindahan atsaka umalis.

Nang datnan ng mga awtoridad ang babae, pinalilibutan na ito ng mga tao at wala pa ring malay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lasing raw ang babae ayon kay Marvin Bañaga, isa sa mga sumaklolo mula sa Ocampo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Napag-alaman ring 18 taong gulang pa lang ito.

Nang magising naman ito sa ospital, hindi rin nito maikwento kung sino ang dalawang lalaking kasama nito.

Ngunit nasabi nito ang pangalan at kung saan ito nakatira bagamat hindi pa rin ito makausap ng maayos.

Ayon sa ulat, patuloy pa rin ang imbestigasyon dito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel