'Di nagpatinag! Babae nagpapaayos ng pilikmata, 'di nagpaawat kahit sa lindol

'Di nagpatinag! Babae nagpapaayos ng pilikmata, 'di nagpaawat kahit sa lindol

-Hindi nagpaawat ang isang dalaga sa kanyang pagpapaganda kahit pa nga siya literal na nilindol na

-Agad na nag-viral ang mga larawan ng babae habang patuloy ang pagpapaayos ng pilikmata kahit pa nga niyanig na ng lindol ang Luzon

-Maging ang nag-aayos ng kanyang pilikmata mukhang game na game rin sa ngalan ng pagpapaganda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang larawan ng dalagang 'di nagpatinag sa sakuna sa ngalan ng pagpapaganda ang nag-viral ngayon sa social media.

Sa isang tweet ng dalagang si Ann noong April 22, ibinahagi nito ang ilang larawan niya habang patuloy na nagpapa-ayos ng pilkmata.

Ito ay nangyari matapos yanigin ng 6.1 magnitude na lindol ang Luzon noong nakaraang linggo.

Matatandaang maraming negosyo ang pansamantalang tumigil sa kanilang operasyon at agad na naglabasan ang mga tao dahil sa takot.

Ayon sa dalaga, unang beses raw kasi niyang magpa-perm ng pilikmata kung kaya na excited siya sa kalalabasan nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“First time ko magpaperm kanina edi excited ako, ano,

Biglang lumindol buti na lang maalaga ung mga nagperm ng pilikmata ko hindi ako iniwan. Narinig ko pa si kuya sa gilid ‘ayun nga oh nagaayos pa pilikmata,’

Kumusta naman? Nakakahiya! Sa ngalan ng kaartehan, ano?” sabi sa tweet ng dalaga.

Bagamat hindi biro ang nangyaring sakuna sa ating bansa sa mga panahong ito, may ilang mga netizens pa rin ang naaliw sa dalaga.

Sa isang artikulo naman ng KAMI, tuloy ang "forever" para sa magkasintahang ikinakasal sa kasagsagan ng lindol noong Lunes.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel