Milyon ang views! Ito na ang pinaka-cute na "dalagang Pilipina"

Milyon ang views! Ito na ang pinaka-cute na "dalagang Pilipina"

-Hindi nagpatalo ang isang bagets sa trending na dalagang Pilipina challenge

-Umabot pa sa mahigit dalawang milyon ang views nito sa Facebook

-Bentang-benta ito sa mga netizens lalo pa ito na yata ang pinaka-cute na kumagat sa patok na challenge

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mag-trending sa online world ang "dalagang Pilipina" challenge, kabilaan na ang mga Pinoy na kumagat rito.

Maging mga celebrities, hindi rin nagpakabog sa patok na challenge na ito!

Ngunit may isang bagets ang 'di rin nagpaawat at pinatulan rin ang challenge na ito.

At bentang-benta naman ito sa mga netizens dahil umabot sa mahigit dalawang milyon ang views ng video ng batang ito sa Facebook.

Sa isang Facebook video na in-upload ng netizen na si Jhedz Magno, tampok ang isang batang babae habang ginagawa ang moves ng challenge na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Cute na cute with may pag-tirik pa ng mga mata ang bata habang kinakantahan ng sikat na kantang Dalagang Pilipina.

Umabot sa mahigit 60,000 ang reactions ng viral video at mahigit 60,000 rin ang share sa social media.

Matatandaang ang Social Media influencer na si Jeremy o mas kilala bilang si 'Mimi' ang siyang nagsimula ng challenge na ito sa Facebook.

At sa kanyang Youtube channel, isang tutorial para sa lahat ang kanyang ginawa para sumikat na challenge, na naitampok na rin ng KAMI sa isang artikulo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng wedding proposal ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, nag-viral online

Video ng wedding proposal ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, nag-viral online

Video ng wedding proposal ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel