Ina, nagising matapos ma-coma ng 5 buwan; unang beses nakilala ang anak

Ina, nagising matapos ma-coma ng 5 buwan; unang beses nakilala ang anak

-Dahil sa isang komplikasyon habang nanganganak, huminto ang pagtibok ng puso ng ginang na si Nur Fadilla

-Sampung minuto bago pa siya na-revive ng mga doktor at dahil dito na-comatose si Nur

-Pagkatapos ng limang buwan pa bago siya nagising at nakita ang kanyang anak sa unang pagkakataon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil sa limang buwang na-comatose ang ginang na si Nur Fadilla hindi niya agad nahawakan at nakita man lang ang kanyang panganay na anak.

Ito ay dahil na-coma ang ginang habang sumasailalim siya sa c-section delivery sa kanyang panganay na anak.

Ayon sa report ng The Asianparent, anim na araw nang overdue si Nur nang magdesisyon ang mga doktor na isailalim ito sa c-section.

Hindi pa rin kasi humilab ang tiyan nito kahit pa tatlong araw na siyang ini-induce sa ospital.

Habang nasa delivery room, nagkaroon ng matinding komplikasyon na naging sanhi para tumigil ang pagtibok ng puso ni Nur.

Mabuti na lamang at nagawa siyang i-revive ng kanyang mga doktor. Muling tumibok ang puso nito pagkatapos maipanganak ang anak na tumagal pa ng 10 minuto.

Ina, nagising matapos ma-coma ng 5 buwan; unang beses nakilala ang anak

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito na-coma si Nur dahil sa kawalan ng oxygen sa utak nito.

“Her heart started beating again when the baby was born, but due to the lack of oxygen in her brain, she fell into a coma.” ayon sa pinsan ni Nur.

Pagkalipas ng limang buwan ay tsaka pa lang nagising si Nur at sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan nito ang panganay na anak.

Bagamat hindi pa nakapagsalita si Nur ng mga oras na iyon ay ramdam na ramdam ng lahat ang emosyon nito.

Umiiyak na hawak pa nito ang kanyang anak.

Samantala, isang ginang naman sa UAE ang nagising pagkatapos ng 27 taon na siya ay na-comatose at ang una niyang hinanap ay ang kanyang anak, na una nang naiulat ng KAMI.

Ina, nagising matapos ma-coma ng 5 buwan; unang beses nakilala ang anak

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
BIGBANG’s T.O.P confirmed to return from the military this July

BIGBANG’s T.O.P confirmed to return from the military this July

BIGBANG’s T.O.P confirmed to be released from mandatory military service this July
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel