Ulirang ama, araw-araw nilalakad ang buong brgy para makapaglako ng paninda

Ulirang ama, araw-araw nilalakad ang buong brgy para makapaglako ng paninda

-Sa kabila ng kahirapan, pilit itinaguyod ng isang ama ang pag-aaral ng kanyang anak

-Sa pamamagitan ng paglalako ng kanyang mga paninda, nakapagpatapos nito ang anak

-Ngunit bago pa man ang pinakahihintay nilang tagumpay, pumanaw naman ang kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nagpatinag ang tatay na si Rico Ibo sa mga hamon sa kanya ng buhay.

Sa kabila ng kahirapan, hindi binitiwan ni tatay Rico ang pangarap na makapagtapos ang kanyang anak.

Sa pamamagitan ng paglalako ng kanyang mga paninda tulad ng baso, tasa at iba pang pwedeng itinda, iginapang nito ang edukasyon ng mga anak.

Ayon sa isang post ng Facebook page na Balitang SJDM, araw-araw nilalalakad ni tatay Rico ang buong barangay para makapaglako ng kanyang mga paninda.

Ito ay upang patuloy na mayroong maipang-tustos sa mga pangangailangan ng pamilya at sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

Abot-kamay na sana ni tatay Rico at ng kanyang asawa ang tagumpay ngunit bago pa man ang graduation ng kanyang isang anak, pumanaw ang kanyang misis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa larawan ibinahagi ng FB page, makikitang mag-isang sinamahan ni tatay Rico ang kanyang anak sa araw ng pagtatapos nito.

At bagamat paniguradong masaya si tatay Rico na nagawa niyang igapang ang edukasyon ng anak, makikita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.

Saludo ang KAMI sa dedikasyon ni tatay Rico sa kanyang pagiging ama at pinatunayan lamang niya na hindi masusukat ninuman ang kayang isakripisyo ng isang magulang para sa kanyang mga anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Gorgeous Pinay celeb moms and their fabulous OOTD snap by the pool

5 Gorgeous Pinay celeb moms and their fabulous OOTD snap by the pool

5 Gorgeous Pinay celeb moms and their fabulous OOTD snap by the pool
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel