Capt. America Chris Evans, gusto nang magkaroon ng sariling pamilya

Capt. America Chris Evans, gusto nang magkaroon ng sariling pamilya

-Nagpahayag na ang isa sa mga Avengers star na si Chris Evans na gusto na raw nitong magkaroon ng sariling pamilya

-Sa isang panayam rito sinabi nitong gusto nitong magkaroon ng mga anak

-Ibinuking rin nito ang sarili sa kung sino ang kanyang long-time crush sa Hollywood

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang panayam ng Men’s Journal, inamin ni Captain America star na si Chris Evans ang kanyang pagnanais na magkaroon ng sariling pamilya.

Nais raw nitong magpakasal at siyempre pa magkaroon ng mga anak.

“I really want kids. Yeah, I do,” sabi ni Evans.

Una nang naibalita ang paghihiwalay nito at ng isa ring Hollywood actress na si Jenny Slate na nakilala naman nito sa isang drama na pinagsamahan nila noong 2017.

Sa panayam rin na ito, ibinuking ni Evans ang kanyang sarili tungkol sa kanyang long-time crush.

Inamin ni Evans na matagal na niyang crush ang singer/actress na si Jennifer Lopez.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Na-starstruck daw talaga ito nang minsang makasamang magbigay ng award si Lopez sa nakaraang 91st Oscars.

“I was just thinking, ‘Don’t be annoying, don’t be annoying, shut up Chris, just shut up. Don’t say anything, because you don’t know what to say,'” anito.

“She’s been a major crush of mine for so long.” dagdag pa ni Evans.

Si Chris Evans ang gumaganap bilang Captain America sa sikat na Hollywood film na Avengers.

Ang 37-anyos na aktor ay ipinanganak noong June 13, 1981.

Samantala, ang latest offer ng Marvel na Avengers: Endgame ay ipinalabas na sa Pilipinas nitong Abril 24 kung saan isa si Evans sa mga bida.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel