Larawan ng customer na nagluluto ng burger dahil tulog ang tindera, nag-viral

Larawan ng customer na nagluluto ng burger dahil tulog ang tindera, nag-viral

- Viral post tungkol sa customer na kusang nagluto ng kanyang order

- Mapapansing tulog kasi ang tindera kaya minabuti na raw nitong lutuin ang kanyang order

- Habang ang ilan ay natawa, ang ilan naman ay nabahala na baka mawalan ng trabaho ang tindera dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ang post kung saan makikita ang isang lalaki na nagluluto ng order niyang burger.

Ayon sa blog ng Trending ng Bayan, tulog daw ang tindera ng burger stand kaya nagkusa na ang customer na si 'Miguel' na lutin ang kanyang order.

Tuwang tuwa ang mga netizens sa mga kuha ni Miguel na talagang nagkusa nang magluto habang himbing na himbing daw ang tindera.

Habang ang ilan ay natawa, karamihan naman ay tila nag-alala sa tindera na baka mawalan ng trabaho pag nakita raw di umano ng amo nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Huy, bat niyo pinost to. Alam nyo ba na dahil dito eh maaari siyang mawalan ng trabaho. Wag ninyong gawing katatawanan ung pagod ng tao dahil sa trabaho. Ung mga pulitiko nga, niloloko ka na tuwang tuwa ka pa pero yung isang trabahador na pagod, imbis na bigyan respeto, ginagawang katawa tawa dahil hindi nito magawa ang trabaho neto"
"Alam ko kung bakit tulog yan . kasi may kakilala ako na sa minute burger din nag tatrabaho . May 24 hours xang duty kapag di dumating ung reliver nya . Tapos 12hrs lang dapat minimum ng oras nya . Sa 12hrs mo naka abang ka sa mainit na pang luto ng paty na yan . Panu kaya kung nag 24hrs ka . Goodluck sa katawan mo ata kamay mo. Kaya dont judge agad dahil di nyo naranasan mag trabaho sa minute burger"
"Ako na po ang humihinge ng sorry kung bakit po minsan nakakatulog o iglip po kame sa oras ng duty namin. Kadalasan po kasi 36hours duty po kami sa duty namin minsan hindi po kami pinapasukan ng karelyebo namin kaya kame nag 36hours duty kung minsan pa po ay 48hours o wala ng uwian sa store namin at hindi naman po kami mahimbing matulog nagigising naman po kami pag may tao o kumakatok (siguro kaya ganyan kahimbing tulog ni ate kasi ilang oras na syang duty) kaya sana naman po wag natin gawing katatawanan o kung ano pa man po ang maling nagagawa namin o kung nakakatulog po kami sa loob ng store namin sa oras ng duty namin. Hindi po kami makina , tao din po kami"
"sa nagpicture nyan sana inisip mo po na pareparehas kaming maaaward ng boss namin pag nakita yan godbless you yow"
"Kung totoo tong picture na to sana di mo nalang pinost, alam mo dahil dito pwedeng matanggal sa trabaho yung tao, sana ginising nyo nalang. Tang ina kase puro pasikat sa fb nasa utak ee"
"Isang tao nanaman ang mawawalan ng trabaho dahil sa kakulangan ng pinsan ng iba"

Umani ito ng iba't ibang reaksyon at umabot na ang post nang nasa 3,600 na reaksyon, 609 na komento at 5,200 na pagbabahagi

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, we played a public prank on other people as one of our team member dances to Blackpink's Kill This Love! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel