Cancer survivor, may babala para sa marami

Cancer survivor, may babala para sa marami

-Huwag balewalain ang mga sintomas, ito ang naging babala ng isang cancer survivor para sa lahat

-Ang inakala niyang simpleng pananakit lang ng tiyan ay isa na palang sintomas ng malalang sakit

-Kinailangan niyang dumanas ng sakit mula sa mga prosesong makapagliligtas sa kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inakala raw ng babaeng si Carla Bradbury, mula sa Nottinghamshire, UK, na ang pananakit ng kanyang tiyan ay isang simpleng sakit lamang dahil sa isang inumin.

Bukod sa pananakit ng tiyan, nagkaroon din daw si Bradbury ng spotting na inakala naman niyang dahil lamang sa hormones.

Ang mga sintomas na ito ay binalewala lamang niya hanggang sa mas lumala pa ang pananakit ng kanyang tiyan ayon sa isang artikulo ng The Asianparent.

Sa puntong ito, kumonsulta na siya sa isang doktor at inirekomenda ang pap smear. Bukod rito ay sumailalim rin siya sa MRI kung saan na-diagnose na mayroon siyang cervical cancer.

Ngunit isa pang mas masamang balita ang sinabi ng isang espesyalista sa kanya, lumaki na ang bukol na kasing laki ng isang plum at kumalat na sa adjoining tissue.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi na rin daw ito kanyang operahan pa. Sinabihan na rin siya ng doktor na ang tsansa niyang mabuhay ay 50-50.

Sumailalim si Bradbury sa chemotherapy at radiotherapy.

Sa kabutihang palad ay naging matagumpay ang kanyang pagpapagamot sa kabila ng mga hirap na kanyang pinagdaanan.

Ngunit sa kabila nito, nagsisisi rin daw siya na hindi niya pinansin ang mga sintomas na kanyang naramdaman at lahat ng paalala kung paano gawin ang smear routine.

Sa kasalukuyan ay all clear na si Bradbury sa cancer at dahil sa kanyang pinagdaanan ay tumutulong siya para mas maipa-alam pa sa marami ang tungkol sa sakit na cancer.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures sa socmed

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures sa socmed

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel