Sanggol na ipinanganak at walang bisita sa ospital, inampon ng nurse

Sanggol na ipinanganak at walang bisita sa ospital, inampon ng nurse

-Wala ng pag-asa pang magkaroon ng anak ang nurse na si Liz nang bigla na lamang dumating sa kanyang buhay ang isang sanggol

-Ang sanggol naman, ipinanganak sa isang ospital ngunit simula noon ay walang kahit sinong bumisita rito

-Bagamat buhay pa ang mga magulang ng bata, nanalo si Liz sa karapatang alagaan ang kanya na ngayong nag-iisang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa mga panahong hindi na umaasa pa ang nurse na si Liz Smith na magkakaroon siya ng maituturing na sariling pamilya, ang siya namang pagdating ng isang sanggol sa kanyang buhay.

Sa isang artikulo ng The Asianparent, naibahagi ang istorya ni Smith.

40-anyos na ang nurse na si Smith at naghahangad na magkaroon ng sariling pamilya ngunit siya ay wala pang asawa.

Nabuhay kasi ito sa dedikasyon sa kanyang propesyon hanggang sa tuluyan nang dumating sa edad 40.

Sa mga panahong iyon niya napagtanto na nais niyang magkaroon ng anak.

Kaya naman sumubok si Smith ng iba't-ibang paraan tulad ng IVF. Ngunit hindi nagtagumpay ang paraang ito para sa kanya.

Dahil sa paulit-ulit na pagkabigo, tinanggap na raw nito na hindi na siya magkaka-anak pa.

Ngunit isang araw habang siya ay nag-ra-rounds sa Franciscan Children’s Hospital sa Brighton, Massachusetts, nakita niya ang isang sanggol.

Napag-alaman niya na walang kahit isang bisita ang sanggol. At nangangailangan ito ng medical foster home na aalalay rito.

Dito nabuo ang kanyang desisyon na ampunin ang baby.

Sa kanyang pag-aalaga sa baby, lumaki itong malusog sa kabila ng kondisyong pinagdaanan nito.

Sanggol na ipinanganak at walang bisita sa ospital, inampon ng nurse

Photo source: Simple Most
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ipinanganak itong mayroong neonatal abstinence syndrome, isang kondisyong nakukuha ng isang sanggol kapag na-expose sa opiate drug habang ipipangbubuntis pa lamang.

Ngunit dahil sa kalinga at pagmamahal na ibinigay sa kanya ni Smith ay nagkaroon ito ng maayos na kalusugan hanggang sa lumaki ito.

Sa tulong ng ospital nagawang mahanap ni Smith ang mga tunay na magulang ng sanggol. Dinadalaw pa ng bata ang mga ito noong una.

Ngunit dahil idinaan ni Smith sa legal na paraan at dahil na rin napatunayan na walang kakayahang buhayin ng biological parents niya ang baby, pinanigan ng korte si Smith.

Oct. 18, 2018 nang tuluyan nang maging adoptive mother si Smith ng bata na pinangalanan niyang Gisele Smith.

Sanggol na ipinanganak at walang bisita sa ospital, inampon ng nurse

Photo source: Simple Most
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel