Batang nag-viral sa pag-aaral sa ilalim ng poste ng ilaw, nakatapos na ng elementarya

Batang nag-viral sa pag-aaral sa ilalim ng poste ng ilaw, nakatapos na ng elementarya

- Nakatapos na ng elementarya ang batang minsan nang nag-viral ang larawan na nag-aaral sa ilalim ng poste na lamapit sa isang fast food chain

- Mula nang maging viral ang kanyang larawan, sunod- sunod na ang mga biyayang natanggap ng batang ito

- Determinado pa rin siya umanong tapusin ang kanyang pag-aaral at handa siyang harapin ang mga pagsubok na haharapin alinsunod sa pangarap na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bakas ang kaligayahan kay Daniel “Biboy” Cabrera, ang batang minsan nang nag-viral ang larawan dahil sa pag-aaral nito sa ilalim ng poste ng ilaw nang makatapos siya ng elementarya.

2015 pa noong mag-viral ang post patungkol sa kanya kung saan makikita siyang matiyagang nag-aaral malapit sa isang branch ng Mc Donald's sa Mandaue.

Ayon sa ulat ng Yahoo Philippines, bagaman at walang natanggap si Biboy na medalya sa pagtatapos ng elementarya, labis pa rin ang kaligayahan nila ng kanyang ina.

Hindi nakapagbigay ng graduation picture si Biboy sa Sun Star Cebu sapagkat wala pa raw sapat na pera ang ina upang kunin ito. Inuna niya kasi ang mga isusuot ni Biboy sa kanyang graduation.

Batang nag-viral sa pag-aaral sa ilalim ng poste, nakatapos na ng elementarya

source: Sun star Cebu
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mula nang mag-viral ang larawan na iyon ni Biboy, dumagsa na ng mga biyaya sa kanya. Isa na rito ang scholarship na pinagkaloob sa kanya ng Ronald McDonalds House of Charities Philippines para sa pag-aaral niya ng elementarya.

Bukod pa rito, nakatanggap din siya ng scholarship mula naman kay Samuel Pagdilao ng Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement & Support (ACT-CIS) partylist para sa kanyang pagko-kolehiyo.

Nagkaroon na rin sila ng koneksyon ng kuryente sa kanilang bahay ngunit dahil nakagawian na niyang mag-aral sa ilalim ng poste na malapit sa Mc Donald's sa kanila, paminsan-minsan ay pumupunta pa rin siya roon.

Ngayong 13 na si Biboy, handa na raw siya sa mga pagsubok na kanyang susuungin sa pagpasok niya sa high school at determinado pa rin siyang magtapos ng kolehiyo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, we played a public prank on other people as one of our team member dances to Blackpink's Kill This Love! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pagtulak ng isang babae sa paring nagmimisa, sapul sa video

Pagtulak ng isang babae sa paring nagmimisa, sapul sa video

Pagtulak ng isang babae sa pari habang ito'y nagmimisa, sapul sa video
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel