Mga produkto ng 1 paralisadong single mom, nakarating na sa UK at Dubai

Mga produkto ng 1 paralisadong single mom, nakarating na sa UK at Dubai

-Bagamat hindi naigagalaw ang mga paa, hindi naman ito naging hadlang para sa isang ina na patuloy na kumayod para sa anak

-Sa tulong ng mga taong nagmamalasakit sa kanya, nakarating na ang kanyang mga produktong gawang-kamay sa ibang bansa

-Patuloy siyang nagsisikap sa pag-asang maibabalik muli ang lakas ng kanyang mga paa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng panggagantsilyo, nagagawang kumita ng nanay na si Che Formilleza, isang single mom.

Sa panggagantsilyo rin niya nagagawang makalimutan ang kanyang kondisyon.

Sa isang artikulo ng ABS-CBN News, naitampok ang buhay ni Che at dito, inilahad nito ang kanyang pinagdaanan.

Sabi ni Che, 6-buwang gulang pa lamang ang kanyang anak nang maparalisa ang ilang bahagi ng kanyang katawan dahil sa komplikasyon sa Urinary Tract Infection (UTI) noong 2010.

Mga produkto ng 1 paralisadong single mom, nakarating na sa UK at Dubai

Photo source: Che Formilleza Facebook account
Source: Facebook

Ang una raw niyang inalala ay ang kapakanan ng kanyang nag-iisang anak.

Masakit man para sa isang ina na hindi magawa ang ilang bagay na malayo na sa kanyang kakayahan, nanatili siyang matatag.

Taong 2017 nang matuto siyang maggantsilyo. Nang mag-post siya sa kanyang Facebook account ng kanyang mga gawa ay may mga nag-comment na gustong bumili ng mga ito.

Simula noon, naisip niyang itong pagkakitaan.

Sa tulong ng isang batchmate ni Che, naibenta niya ang kanyang mga gawa sa United Kingdom.

"Hindi man ako kayang dalhin pa sa ngayon ng aking mga paa sa ibang lugar kaya naman akong dalhin ng mga gawang-kamay ko sa ibang bansa," aniya.

Mayroon na ring sariling Facebook page ang mga produkto at gawang-kamay ni Che, ang "Handmade by Che".

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging sa Dubai ay nakarating na rin ang mga produkto niya.

Mayroon rin naman daw mga kustomer na pinapasobrahan ang bayad sa kanya at may ilang ring nagbibigay sa kanya ng yarn.

At kahit pa nga mahirap ang kanyang kalagayan sa ngayon, nagsisilbi naman itong lakas ni Che upang patuloy na magsikap.

Nag-iipon na si Che upang makapagpatingin sa doktor at para sumailalim na rin sa physical therapy.

Hangad ng KAMI ang agarang paggaling ni Che. Humahanga kami sa kanyang lakas at tatag ng loob.

Mga produkto ng 1 paralisadong single mom, nakarating na sa UK at Dubai

Photo source: Che Formilleza Facebook account
Source: Facebook

Samantala, sa isang artikulo ng KAMI, isang binatang 22-anyos naman ang nakapagtapos kahit na siya ay paralisado. Sa tulong ng kanyang ina, nakamit nito ang diploma at unti-unting naaabot ang mga pangarap.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Wedding picture nina Nico Bolzico at Solenn Heussaff, nag-trending online sa kanilang anibersaryo

Wedding picture nina Nico Bolzico at Solenn Heussaff, nag-trending online sa kanilang anibersaryo

Wedding picture nina Nico Bolzico at Solenn Heussaff, nag-trending online
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel