Mga katutubong Aeta, nagkaroon ng trauma sa lindol

Mga katutubong Aeta, nagkaroon ng trauma sa lindol

-Nagkaroon ng trauma ang ilang katutubong Aeta sa Pampanga matapos ang pagyanig noong Lunes sa ilang parte ng Luzon

-Ang ilan sa kanila, ayaw nang manatili sa mga lugar na may konkreto at mas piniling manatili sa labas at nagtayo lamang ng masisilungan

-Ngunit magbabala rin ang Philippine Red Cross kaugnay sa lagay ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil sa malakas na pagyanig na naranasan nitong Lunes sa ilang parte ng Luzon, ang mga katutubong Aeta sa Pampanga ayaw nang manatili sa mga lugar na may konkreto.

Ayon sa isang report ng ABS-CBN, posibleng nagkaroon ng trauma ang mga ito.

Sabi naman ni Philippine Red Cross (PRC) Deputy Secretary-General Dr. Susan Mercado, ayaw nang bumalik ng mga ito sa mga gumuhong bahay ng mga ito.

At sa halip ay nagtayo na lamang ng pansamantalang masisilungan na gawa sa mga stick at kumot.

“Ay, ayaw talaga nila pumunta sa lugar na may konkreto over their head. Hindi sila mapipilit,” ani Mercado sa isang panayam sa ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit nagbabala rin ang PRC kaugnay sa lagay ng mga batang Aeta at ng mga posibleng sakit na makuha pa ng mga katutubo.

“Wala silang water, wala silang sanitation. May maliit na sapa doon, doon nila ginagawa ang lahat pati paghuhuhas ng damit, doon din naglalaro ang mga bata, naliligo.” sabi pa ni Mercado.

Nagbigay na ng tulong ang PRC sa mga kababayan nating Aeta ngunit nangangailangan pa rin daw ng karagdagang tulong ang mga ito tulad ng psychosocial support, tubig, sanitation, tents at pagkain.

Sa iba pang ulat ng KAMI, isang 2-anyos na batang Aeta ang pumanaw na sa ospital noong Miyerkules, matapos mabagsakan ng hollow block noong kasagsagan ng lindol.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga's controversial remark to Parañaque mayor elicits reactions among netizens

Alex Gonzaga's controversial remark to Parañaque mayor elicits reactions among netizens

Alex Gonzaga's controversial remark to Parañaque mayor elicits reactions from netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel