Charlie Lozada, di napigilang maiyak sa sinabi ng anak para lang mabuo ang pamilya

Charlie Lozada, di napigilang maiyak sa sinabi ng anak para lang mabuo ang pamilya

- Hindi napigilang umiyak ni Charlie Lozada dahil sa nasambit ng kanyang anak

- Ayon sa kanya, kahit mawala na siya basta mabuo lang ang pamilya nila

- Sabi naman ni Charlie, mawala na ang lahat huwag lang ang mga anak nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling ibinahagi ni Charlie Lozada ang isang pangyayari kung saan hindi niya napigilang maiyak dahil sa nasambit ng kanyang anak.

Kuwento niya, habang naglilinis siya, nabigla na lamang siya nang bigla siyang yakapin ng anak at nag sorry sa kanya.

"Sorry da di na mauulit, di na kami magkakalat," ito daw ang nasabi ng kanyang anak. Napaisip bigla si Charlie dahil hindi naman daw niya sila pinapagalitan.

Nakita daw pala siya ng anak niyang umiyak isang gabi. Naiyak daw siya dahil sa kanyang napanaginipan. Napag alaman niyang nakita pala siya ng anak niya at hindi siya nilapitan.

Sumunod na araw, natanong ng kanyang anak kung bakit siya umiyak ngunit pinilit niyang itanggi ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Hindi ako iiyak. Bakit ako iiyak, I'm the man," pabiro daw niyang sabi.

Wala na siyang nagawa nang sabihin ng anak na nakita siya nitong umiyak. Ang sumunod na tanong ng anak ang kinabigla niya. "Gusto mo bang bumalik si mama?"

Kahit daw mawala na siya kung iyon ang makakabuo sa kanilang pamilya ay okay lang sa kanya.

Dahil dito ay naiyak si Charlie at umiyak sa CR. Kinausap niya ang mga anak at sinabihang okay lang mawala ang lahat huwag lang daw ang kanyang mga anak.

Matatandaang naging trending ang kuwento ni Charlie Lozada at dating asawang si Sheerlyn Gerasta nang lumapit si Charlie kay Raffy Tulfo upang humingi ng tulong. Sa ngayon ay magkasama na sina Sheerlyn at ang lalaking ipinalit nito kay Charlie ayon sa mga lumabas na balita.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Blackpink: Kill This Love Dance Prank | HumanMeter

Check out the public prank video filmed in the Philippines. Watch us do the Blackpink's Kill This Love Dance Prank in public. Some people laugh, some are shocked, others just don't care at all. Enjoy!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video of well-dressed woman throwing trash in the street irks netizens

Video of well-dressed woman throwing trash in the street irks netizens

Video of well-dressed woman throwing trash in the street irks netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel