Babaeng galit na galit sa 1 viral video, nanampal at nanadyak pa raw ng tindera

Babaeng galit na galit sa 1 viral video, nanampal at nanadyak pa raw ng tindera

-Maraming netizens ang hindi natuwa sa inasal ng isang babaeng galit na galit sa isang viral video laban sa isang tindera ng prutas

-Ang babaeng ito raw kasi, tinadyakan at sinampal ang batang nagtitinda ng prutas dahil sa isang pagkakamali

-Kita pa sa video ang pag-iyak ng dalaga habang nakahawak sa kanyang pisngi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Galit na galit at hindi maawat ang pagwawala ng isang babae sa isang viral video habang nakikipagtalo sa mga tao sa isang prutasan.

Ayon sa post ng netizen na si Anjoe Garcia Andaya, tinadyakan at sinampal pa raw ng babae ang tindera ng prutas dahil sa isang pagkakamali.

"Si ate galit na galit nanakit pa ng tindera.

Kawawa yung tindera sinapak at tinadyakan pa" ani Andaya sa kanyang Facebook post.

Ikinagalit raw ng babae ang pagkuha ng bayad ng tindera, ngunit inakala pala nito na nagbayad na ang nanay nito na kasama rin nito.

Ang nanay naman nito na inaawat na rin ang babae, sinabi pang hindi pa siya nagbabayad.

Ngunit tila mas lalo pa itong nagalit. Maging ang mga umaawat rito ay hindi rin nito pinakinggan.

Makikita pa ang dalagang tindera na iyak ng iyak habang nakahawak sa kanyang pisngi.

Samantalang tuloy pa rin ang pagsigaw ng babae sa mga tao roon na pilit ring inaawat ng nanay nito at ng isa pang kasamang lalaki.

Hanggang umalis ang mga ito ay tuloy pa rin ang galit ng babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maraming netizens ang hindi natuwa sa inasal ng babae sa viral video na ito,

"Ipa tulfo nyo na yang babae n yan!..para makasuhan ng physical injury!..walang kwentang tao!..kagigigil tlga ang mfa gbyang tao!"

"Child Abuse kaso nyan dahil bata ang sinaktan nya, goodluck ate."

"Ganda mo Te ndi ko nga Lang Alam saang parte Ng katawan Kasi Ang pangit ng ugali mo bastos ka pa iskandalosa ka pa..gigil ako sayo pwee palengkira Gaga."

"Dapat diyan lagyan ng busal ang bunganga.Grabe sama ng ugali."

"Nko d prin na kinig sa awat ng nanay..wlang respito na babae."

"Sama mong babae sama p ng ugali mo napapag usapn namn ng maayus yn sarap mong sabunutan."

"Kung ako Nanay ng bungangerang loka loka na yan, hahablutin ko banana At ipasak ko sa bibig nya At tainilasin ko mukha nya."

"Nakakagigil kung ako yung tindera baka natadyakan ko na yang hinayopak na yan hnd man lng binigyang kahihiyan mama nya. Sabagay sa kapal ng foundation nya tulad ng kapal ng mukha nya."

"Grabe yung ate pwede naman nya kapausapin kung mayhindi pag kaka intindih hindi yung ganyan."

"Sarap sapakin yang babae. Bungangera."

Umabot na sa 60,000 shares ang post at 50,000 comments mula sa mga netizens na karamihan ay galit na galit sa babaeng nanakit ng kawawang tindera.

Habang halos tatlong milyon na ang views nito.

Samantala, sa iba pang report ng KAMI, isa namang sekyu sa SM ang binatikos din ng netizens matapos mahuli-cam na hinuhuli ang isang taho vendor.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video of well-dressed woman throwing trash in the street irks netizens

Video of woman throwing trash on the street from a jeepney earns the ire of netizens

Video of well-dressed woman throwing trash in the street irks netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel