Enforcer na nanghuli ng taho vendor, binatikos ng netizens

Enforcer na nanghuli ng taho vendor, binatikos ng netizens

-Tila walang magawa ang isang taho vendor laban sa isang traffic enforcer na humuli sa kanya dahil sa pagtitinda sa lugar

-Nagawa pang tumawag ng back up ng enforcer kahit pa nga hindi naman lumalaban ang taho vendor bagamat pilit itong kumakawala

-Ang mga eksenang ito, nahuli-cam ng isang netizen at agad na nai-post sa social media na umani ng mga negatibong komento mula sa marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang nagawa pa ang isang taho vendor nang hulihin siya ng isang traffic enforcer sa Sm Megamall, ayon sa netizen na si Tomichi Francheska.

Sa isang Facebook video na ibinahagi ni Francheska, sinabi nitong hinuli ng enforcer ang taho vendor dahil sa ilegal na pagtitinda sa lugar.

Ngunit ayon din sa netizen, tila may pagkakamali sa parte ng enforcer.

"Hinuli si mamang taho dahil sa illegal pagttiinda ako naman vinideo ko agad kasi may mali sa part ng guard," anito sa caption ng video sa FB.

Kita sa video ang pilit na pag-alis ng vendor ngunit hawak ng enforcer ang kanyang mga dala.

Maya-maya pa'y may isang babae ang lumapit sa mga ito na tila nakapig-talo rin sa enforcer dahil sa nakitang gulo sa pagitan nito at ng vendor.

Makikita rin ang pag-radyo ng enforcer sa mga kasamahan na agad namang dumating sa lugar, ang isa ay umawat na rin sa babaeng lumapit sa mga ito.

Nang makita naman nito ang pagkuha ni Francheska ng video ay sinaway pa siya ng mga ito.

"Aba galit yung guard bakit ko daw vinivideohqn wala daw ako karapatan pilit pa kunin phone ko at kunin ang ID ko,"

Iginiit nito na kahit pa nga may mali sa parte ng taho vendor ay hindi naman dapat na ganoon ang pag-trato ng mga enforcer rito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maraming mga netizens ang hindi natuwa dito.

"meron ba nabanggit sa 11 g.o na manghuli ng magtataho?"

"Nasa kalsada nman nagtitinda hindi nman sa loob ng SM dating guard nman ako ng SM di nman pla pumasok sa bakuran ng SM sa kalsada nman... Open sa public yn."

"Matapang lang yung mga guard pag ganyan klaseng tao may pa radyo radyo pa yan sa base. Pero kapag mga holdaper na di baril at may dalang mahaba kanya kanyang tago yan at takbo at nanginginig."

"Nag sekyu din ako pero hindi ako ganyan...sumusunod ako sa utos pero alam ko kung tama o mali nb pinapagawa sakin...pag ganyan bagay o ganyan tao kinakaibigan ko yan."

"Sikat kna Guard! Att: Kung Sino mang agency may hawak sa kanila Paki turuan Ng tamang pagtrato sa tao thanks."

"Lumalagay sa patas ung mga tao tapos itong mga...kulokoy na bakulaw huhulihin nyo pa...bakit di nyo nlng ituro kung ung tama...Magtataho lng yan .Maawa nmn kau."

"yung mga mg nanakaw holdaper snatcher di nio hulihin..ung ng hahanap buhay ng matino...mga bugok na guard."

"mahirap kaya magtinda ng taho palage mo pasan pasan.. mabigat kase. kawawa naman nagtitinda ng taho atleast marangal ang trabaho.. grabe naman yan mamang security guard na yan hinde na naawa sa nagtitinda ng taho."

"Grabe kayo mga enforcer ang yabang ninyo, kuyog agad kayo pero pag mga kriminal na WALA kayo."

"Wag kna mgtinda ng taho kuya....mangholdap kna lng ayaw nila ng marangal n wrk."

"Bawal na ba dumaan at magtinda dyan..? Kalsada na yan ah sakop pa ba ng guard ang kalsada..? Not unless nlang kung private property ang kalsada na yn at my utos ang management na no vendors are allowed.... Pero mali ang ginawa ng guard."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel