KFC na nag-serve ng chicken skin na may balahibo pa, inireklamo ng 1 dalaga

KFC na nag-serve ng chicken skin na may balahibo pa, inireklamo ng 1 dalaga

-Hindi na nakapag-timpi pa ang isang Pinay matapos siyang bigyan ng in-order na chicken skin na may balahibo pa sa isang branch ng fastfood chain na KFC

-Bukod rito ay tila sarkastiko pa at hindi maganda ang serbisyo ng ilang crew ayon sa dalaga

-Matatandaang may naiulat rin na parehong insidente sa isang branch naman ng McDonalds sa China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-serve ng chicken skin na may balahibo pa at mayroong hindi magandang serbisyo ang isang branch ng KFC sa bansa.

Ito ang reklamo ng netizen na si Marla Bernabe matapos siyang mag-order sa nasabing fastfood chain.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ipinabatid niya ang kanyang reklamo laban sa KFC.

"KFC Seryoso. Bakit naman ganito?? Chicken skin w fresh na fresh na feather."

Bukod sa in-order na may balahibo pa, na ipinakita nito sa mga larawan at video kasama ng kanyang post, inireklamo rin nito ang serbisyo ng ilang crew doon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Yung pinalitan niyo yan, 2nd na sinerve niyo meron pa din (take note walang nag apology sa mga crew) 3rd attemp na sinerve, si crew ang sarcastic pa “triple checked” na daw ginawa (and yet no apology)."

Aniya, walang humingi ng pasensiya sa mga crew o managers habang naroon pa siya.

Kaya naman sa idinaan na lamang nito sa official page ng fastfood chain ang kanyang reklamo.

"Naghihintay ako may lumapit na crew, TL, visor, or manager, that time para mag apology. Kaso walaaaaaaa! Nagmessage ako sa official page. Then dun lang ako tinawagan ng branch (Anita Bldg. Quezon Ave) to apologize."

Giit ni Bernabe, gusto lamang niyang mai-ayos ng mga ito ang kanilang serbisyo kung kaya idinaan niya ang mga ito sa isang post sa social media.

Matatandaang mayroong kaparehong insidente ang nagyari naman sa isang branch ng McDonalds sa bansang China, na naiulat na rin ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Yeng Constantino, may panibagong mensahe sa doktor na kanyang inireklamo

Yeng Constantino, may panibagong mensahe sa doktor na kanyang inireklamo

Yeng Constantino, may panibagong mensahe sa doktor na kanyang inireklamo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel