Parrot na "tinimbrehan" ang among tulak ng droga, kasamang inaresto

Parrot na "tinimbrehan" ang among tulak ng droga, kasamang inaresto

-Kasamang inaresto ng mga pulis sa Brazil ang isang parrot matapos itong sumigaw ng "mama, police"

-Ayon sa report, posibleng sinanay ito ng amo na tulak ng droga sa isang lugar sa nasabing bansa

-Ngunit bigla naman daw itong tumahimik nang nasa loob na ng presinto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasamang inaresto ng mga pulis ang isang parrot matapos nitong "timbrehan" ang kanyang among tulak ng droga sa Brazil.

Ito ay nang salakayin ng mga awtoridad ang bahay ng hinihinalang tulak ng droga at ang amo ng naarestong parrot na si Vila Irmã Dulce.

Sa isang report ng The Guardian, nang makita raw ng parrot ang mga paparating na mga pulis ay bigla na lamang itong sumigaw ng:

"Mama, police!" [sa wikang Portuguese].

Posible umanong tinuruan o sinanay na ng suspek ang alaga.

Kaya naman kasama itong hinuli ng mga pulis at dinala sa presinto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isa namang Youtube video mula sa channel na Programas Meio Norte, makikita pa ang parrot na tahimik at mukhang behave naman.

Binansagan pa itong “drug-trafficking parrot” ng ilang mamamahayag sa nasabing bansa.

Napag-alaman ng KAMI na ililipat sa pangangalaga ng isang zoo ang parrot.

Narito naman ang ilang komento mula sa ilang Pinoy netizens:

"Pero nung dumating na sa presinto, nung hiningan na ng statement yung parrot, ayaw magsalita, kasi d pa dw dumarating yung abogado niya, kaya wala muna siyang sasabihin."

"Pwede ba piyansahan ko yung parrot na yan at tuturuan ko para itimbre kung parating na si misis?"

"Nko ..kung nanlaban to..adobo kakalabasan nito."

"Ok lang yan parrot sanay ka naman lagi sa hawla. Ewan ko lang jan sa amo mo."

"Hahaha natawa ako sa Parrot,kawawa naman siya.. Nadamay pa..ipa drug test nyo muna bago ikulong para mabawasan sentensiya."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
BIGBANG’s T.O.P confirmed to return from the military this July

BIGBANG’s T.O.P confirmed to return from the military this July

BIGBANG’s T.O.P confirmed to be released from mandatory military service this July
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel