Video ng batang lalaking "nag-cart wheel" sa gitna ng basketball game, viral

Video ng batang lalaking "nag-cart wheel" sa gitna ng basketball game, viral

- Maraming netizens ang natuwa sa viral video ng batang lalaking nag-car wheel sa kasagsagan ng isang basketball game

- Walang ano ano kasi nang maisipan ng batang ito na mag-cart-wheel patawid sa court

- Umani na sa halos 25,000 views ang naturang video sa loob lamang ng tatlong oras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng Facebook page na Good vibes kung saan ang isang batang lalaki ay umagaw ng eksena sa kalagitnaan ng isang basketball game.

Sa umpisa ng video, makikita ang batang lalaki na nanonood ng pa-liga ng basketball. Maya-maya pa'y walang kaabog-abog itong nag-cart wheel patawid sa kabilang bahagi ng court kahit papatakbo na papalapit ang mga players.

Halos ma-bangga na nga siya ng mga manlalaro ngunit naka-tatlong ikot parin ang bata.

Nang makatawid, kita sa mukha nitong kinabahan din ito sa kanyang ginawa kahit pa ito ay nakangiti pa rin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May caption ito na "Masyado kayong seryoso. Commercial muna tayo" na nagmistulang commercial nga ang ginawa ng batang lalaki na nakaagaw ng atensyon ng mga manonood ng laro maging ng mga netizens na nakapanood.

Tuwang tuwa ang mga netizens sa nakaka-good vibes na video na ito.

Pumalo na sa 25,000 views ang naturang post sa loob lamang ng tatlong oras na pagkaka-post nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel