Lalaking na-dumi habang tumatakbo sa marathon, nasungkit pa rin ang unang pwesto

Lalaking na-dumi habang tumatakbo sa marathon, nasungkit pa rin ang unang pwesto

- Biglang inatake ng diarrhea ang isang chinese runner habang tumatakbo sa isang marathon

- Halos kalahati na ang kanyang tinatakbo nang maramdaman niya ito ngunit pinagpatuloy pa rin niya ang race

- Nakamamanghang sa kabila ng kanyang dinaramdam, nasungkit pa rin niya ang unang pwesto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang kakaibang kwento ng chinese runner na si Wu Xiangdong kung saan sa kalahatian ng 10km marathon niya ay nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan.

Ayon sa LADBible, tinamaan ng diarrhea ang mananakbo habang sinasagawa ang marathon ngunit patuloy pa rin siya sa pagtakbo.

Di na niya naisip na huminto at maghanap ng palikuran dahil wala rin siyang makitang portable toilet.

Isa pa, nais talaga niyang maunahan ang African runner na para sa kanya ay ang pinaka-malapit niyang katunggali.

"Even I couldn't stand the smell," pahayag ni Wu na natapos ang pagtakbo sa loob ng anim na minuto at 16 segundo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala na raw talagang nagawa pa si Wu kundi pakawalan ang sanhi ng pananakit ng tiyan at dahil gusto niya talagang matapos ang marathon.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, nakuha pa rin niya ang unang pwesto.

Ayon pa kay Wu, maaring sumakit ang kanayang tiyan dahil sa kanyang kinain. Marahil pa nga raw, kung wala pa siyang naramdaman ay mas mabilis niyang natapos ang marathon.

Kaya naman nang marating niya ang finish line, dali-dali na rin siyang tumakbo sa potable toliet na nakita niya malapit doon.

"It was a mighty relief to have had the toilet in the end. I don't want to remember this race," pagtatapos ni Wu.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Madamdaming pagtatagpo ng mag-amang nagkahiwalay sa loob ng 30 taon, nag-viral

Madamdaming pagtatagpo ng mag-amang nagkahiwalay sa loob ng 30 taon, nag-viral

Madamdaming pagtatagpo ng mag-amang nagkahiwalay sa loob ng 30 taon, viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel