Direk Erik Matti, walang ibang bet maging Darna kung hindi si Nadine Lustre lang

Direk Erik Matti, walang ibang bet maging Darna kung hindi si Nadine Lustre lang

- Walang ibang bet si Direk Erik Matti para maging bagong Darna kung hindi si Nadine Lustre lang

- Tila napanayam ng entertainment press si direk kaugnay sa pelikulang idinirek niya na 'Kuwaresma'

- Dito ay itinanong ulit siya tungkol sa kanyang personal bet at mukhang wala ng ibang pang aktres na kanyang nakikitaan na bagay sa role

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang panayam sa dating direktor ng Darna na si Erik Matti tungkol sa kanyang bet na bagong Pinay superhero.

Mukhang na-interview ng press ang direktor kaugnay sa pelikulang idinirek na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta, ang Kuwaresma.

Sa naturang interview na spotted sa YouTube channel ni Glenn Regondola ay naitanong ulit sa kanya ang tungkol sa kanyang bet na maging bagong Darna.

At gaya ng nauna niyang sinabi si Nadine Lustre talaga ang para sa kanya ang bagay na bagay sa role na maging Narda at Darna.

Dugtong pa ng direktor, wala na raw siyang ibang naisip na pwedeng gumanap sa nasabing role.

Ito ang naging sagot niya nang tanungin ng press kung meron pa raw ba siyang ibang nakikitaan na gumanap sa role.

Kamakailan lang ay inamin din ni Nadine na open siya na gumanap bilang bagong Darna kung ibibigay ito sa kanya.

Si Angel Locsin ang una sanang aktres na gumanap muli bilang Darna pero dahil sa health reasons ay umatras ang aktres.

Pagkatapos kay Angel ay naibigay ang role sa magandang aktres na si Liza Soberano na pareho ring umatras sa parehong rason.

POPULAR: Read more news about Darna here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel