Ina, nireklamo ang McDonald's dahil sa malalaking hibla ng balahibo sa fried chicken nito

Ina, nireklamo ang McDonald's dahil sa malalaking hibla ng balahibo sa fried chicken nito

- Nireklamo ng isang ina sa China ang McDonald's doon dahil sa muntik nang makain ng kanyang anak ang fried chicken nito na may balahibo pa

- Humingi naman ng dispensa ang branch at binigyan ng food coupons at pera ang mag-ina ngunit tinanggihan nila ito

- Di raw ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema ang McDonald's sa China dahil sa di maayos na paghahanda ng kanilang pagkain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinuwento ng isang ina sa China ang nakakadiring karanasan nila ng kanyang anak sa McDonald's kung saan muntik na niyang mapakain sa anak ang fried chicken doon na may malalaking hibla ng pa ng balahibo.

Ayon sa ulat ng South China post na sinulat ni Laurie Chen, nakakain na raw ng tatlong subo ng balat ng manok ang anak ng babaeng may apelyidong Zhou nang mapansin nilang may balahibo pa ang chicken Mcdo.

Ang pinagtataka raw ni Zhou, kitang kita naman ang balahibo ngunit nagawa pa rin itong i-prito at ibenta ng McDonald's.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa nangyari, tila binabangungot na raw ang kanyang anak tungkol sa nakakadiring pagkain at sa tuwing kakain ito, sinusuka lamang di niya ito at nilalabas.

Humingi naman ng dispensa ang McDonald's at inalok sila ng halagang 10 beses higit sa presyo ng chicken McDo pati na rin ang perang US$45 ngunit tinanggihan lahat ito ni Zhuo.

Sa halip, diretso na siyang nagreklamo sa local food safety administration sa Beijing.

Samantala, naglabas din umano ng public apology statement ang McDonald's sa kanilang Weibo account. Sinabi rin nilang patuloy na ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Di raw ito ang unang beses na nag-serve ng di maayos na pagkain ang McDonal's sa China.

Matatandaang noong Abril 15, isang panis na milk tea mula sa McDo ang nainom ng pasahero sa Changle Airport sa Fuzhou.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel