Ilan pang branch ng Chuzon supermarket pinasara na, may-ari; kakasuhan ng PNP

Ilan pang branch ng Chuzon supermarket pinasara na, may-ari; kakasuhan ng PNP

- Kakasuhan na ng Philippine national Police ang may-ari ng Chuzon supermarket sa Porac, Pampanga

- Malaki raw umano ang posibilidad na substandard ang naturang gusali dahilan upang mabilis itong gumuho kahit sa pansumandaliang pagyanig na naganap nitogn Lunes, Abril 22

- Pinasara na rin ang iba pang Chuzon supermarket sa Pampanga na sasa-ilalim din sa inspeksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kakasuhan na umano ng Philipine National Police ay may-ari ng Chuzon Supermarket na si Chinese trader Samuel Chu.

Ayon sa artikulong sinulat ni Joy Cantos ng Pilipino Star Ngayon, bagaman at wala pang desisyon ang mga biktima kung sasampahan nila ng kaso ang Chuzon, PNP na raw ang gagawa ng aksyon ukol dito.

“Whether the people here decide to file a criminal case or not, of course the civil liability is number one. What happened here was reckless imprudence. It’s because probably the building was substandard,” paliwanag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde.

Umabot kasi sa 15 katao na ang namatay mula sa pagguho ng naturang supermarket sa Porac, Pampanga matapos ang magnitude 6.1 na pagyanig nitong Lunes, Abril 22.

Minabuti na rin ipasara ang iba pang Chuzon supermarket sa Pampanga na ipinag-utos na rin mismo ng Pangulong Duterte.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag pa ng PNP, damay na rin ang mga local officials na nag-apruba ng permit to operate ng mga gusali at pag napatunayang may mali nga sa pag-apruba nila sa mga ginamit na materyales.

“The local officials might also be held liable because the supermarket was given a permit to operate. And if they violated the building code, as far as the strength of materials is concerned, that is also a violation,” pahayag pa ni Albayalde.

Sa ngayon, kumukuha ng mga pahayag ang PNP mula sa mga naging biktma ng pagguho na maari nilang magamit sa kaso.

Department of Public Works and Highways din ang inaasahang manguna sa imbestigasyon kaugnay sa pagkakatayo ng naturang pamilihan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Jinkee asks netizens for prayers for Manny Pacquiao's fight vs. Keith Thurman

Jinkee asks netizens for prayers for Manny Pacquiao's fight vs. Keith Thurman

Jinkee asks netizens for prayers for Manny Pacquiao's fight vs. Keith Thurman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel