Nanay ng 2 bata, nagbigay ng babala tungkol sa mga 'play area' sa mga mall

Nanay ng 2 bata, nagbigay ng babala tungkol sa mga 'play area' sa mga mall

-Nagbigay ng babala ang isang nanay sa Singapore matapos pasukan ng beads ang mga tenga ng kanyang dalawang anak

-Ito ay habang naglalaro ang mga ito sa isang play area sa isang malaking mall sa nasabing bansa

-Hindi naman nagustuhan ng ginang ang naging tugon ng play area kaugnay sa nangyari sa kanyang mga supling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na dinala ng ginang na si Merlyn Tok ang kanyang dalawang anak sa pagamutan nang makitang napasukan ng beads ang mga tenga ng mga ito.

Ayon sa isang report ng The AsianParent, nangyari ang insidente sa isang play area loob ng isang malaking mall sa Singapore, ang North Point City.

Sabi ng ginang sa pamamagitan ng isang Facebook post, bigla na lamang daw sinabi ng kanyang anak na makati ang tenga nito. Laking gulat daw niya nang makitang may pumasok na beads sa loob ng tenga ng kanyang isang anak.

Nang tignan niya ang tenga ng isa pa niyang anak ay mayroon din umano ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kabutihang palad ay wala namang naging pinsala ang mga beads sa mga tenga ng kanyang mga anak kahit pa malapit ang mga ito sa ear drums.

Matapos ang insidente, binalikan nila ang play area upang silipin kung ligtas ba talaga ito para sa mga bata.

Sinabi rin daw nila ang nangyari sa kanyang mga anak ngunit hindi nila nagustuhan ang sagot mula sa mga ito.

"They must’ve been playing and putting the beads into their ears. Go see a doctor and bring the bill to us, we will reimburse."

Giit ng ginang, nakabantay siya habang naglalaro ang mga anak kung kaya naman sigurado siyang hindi ito ginawa ng mga anak.

Hindi rin daw pera ang habol nila kung hindi ang makasiguro na wala nang batang mapapahamak sa lugar.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
BIGBANG’s T.O.P confirmed to be released from mandatory military service this July

BIGBANG’s T.O.P confirmed to be released from mandatory military service this July

BIGBANG’s T.O.P confirmed to be released from mandatory military service this July
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel