5 Pinoy celebrity kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa

5 Pinoy celebrity kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa

Habang marami sa ating mga Pinoy celebrity kids ang proud alumni sa iilan sa mga top schools ng bansa, ang ibang mga Pinoy celebrity kids na ito ay piniling mag-aral o magtapos sa ibang bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang 5 sa mga Pinoy celebrity kids na ito na nakapagtapos o nakapag-aral sa ibang bansa.

1. KC Concepcion

Ang panganay ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion ay nakapagtapos ng pag-aaral sa American University of Paris.

Nag-graduate si KC sa kursong International Corporate Communications with minor in Theater Arts.

2. Dominique Cojuangco

Nakapagtapos naman ang unica hija nina Gretchen Barretto at Tony Cojuangco sa Istituto Marangoni London kung saan kinuha niya ang kursong fashion design, ayon pa sa balita ng gmanetwork.com.

3. Charlene Gonzalez

Ang Miss Universe 1994 top 6 at Best in National Costume na si Charlene Gonzalez ay kumuha raw ng short business course sa Harvard University, ani pa sa naunang balita ng news.abs-cbn.com.

Si Charlene ay anak ng dating aktor na si Bernard Bonnin.

4. Gab Valenciano

Gumraduate naman sa Full Sail University sa Florida ang anak ni Gary Valenciano na si Gab Valenciano.

Nag-aral siya umano doon ng music.

5. Jocas de Leon

Ang maganda at napakatalinong anak ni Eat Bulaga Pinoy Henyo Master Joey de Leon na si Jocas de Leon ay gumraduate lang naman ng cum_laude sa Fordhan University sa New York sa kursong Economics.

Nakuha rin niya ang kanyang master's degree sa parehong unibersidad at isa pang master's degree para sa Luxury Brand Management sa Regent's University.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin