Masarap na fresh lumpia na ₱5 lang, pinagkaguluhan maging ng mga netizens

Masarap na fresh lumpia na ₱5 lang, pinagkaguluhan maging ng mga netizens

- Nag-viral ang post ng isang netizen tungkol sa mura ngunit masarap na fresh lumpia

- Ang iba ay nagtaka na sa kabila ng murang halaga nito ay masarap at kumpleto pa ito sa rekado

- Tila na-intriga ang ilang netizens na nais ding matikman ang lumpiang sariwa na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang viral post ng netzen na si Jay Patrick Bartolome Dumaguila tungkol sa masarap na lumpiang sariwa na mura ang halaga.

Ayon sa post ni Jay, halagang ₱5 lamang daw ang lumpia ngunit kumpleto ang rekado nito, presentable at talaga namang masarap.

Sa larawan, makikita nga naman na maayos at mukhang malinis at masarap ang lumpia na inilagay pa sa dahon ng saging.

Dahil dito, tila na-intriga ang ilang netizens na nais malaman ang kinaroroon ng street vendor na nagtitinda nito.

Di kasi nakita sa post ang larawan ng nagtitinda at wala ring nakalagay na impormasyon kung saan ito matatagpuan.

Ang ilan naman ay natikman na rin daw ang masarap na lumpiang ito at pinatotohanang ₱5 lamang ito.

Ayon naman sa komento ng isang netizen, matatagpuan daw ito sa Pandacan west zamora.

May nakapagsabi rin na matagal nang nagtitinda ang lalaki na ito ng masarap na lumpia at di rin nabago ang halaga nito mula noon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na tila natakam sa fresh lumpia na isa sa paboritong pagkain nating mga Pinoy:

"eto yung hinahanap ko haha"
"Saan pong lugar yan? Miss ko na yan"
"parang mas masarap to"
"Mron p b nyan ngun .... pborito ko yn inuulam ko p"
"San po Ito mga idol.? Ang sarap naman..."
"Masarap to.. nung bata aq lagi aq kumakain neto"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel