9 na "fur heroes" na kasama ng Porac rescue team, kinilala sa viral post

9 na "fur heroes" na kasama ng Porac rescue team, kinilala sa viral post

- Kinilala bilang mga 'fur heroes' ang siyam na asong kasama ng rescue team sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga

- Nag-viral ang mga posts patungkol sa kanila dahil sa malaking tulong ng mga ito sa paghahanap ng mga taong na-trap sa Chuzon supermarket

- Binahagi ng kanilang mga trainer ang mga ginawa ng aso upang mas mapadali ang pag-rescue sa mga na-trap sa gumuhong gusali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang mga post patungkol sa siyam na aso na kasama ng rescue team sa gumuhong Chuzon supermarket sa Porac, Pampanga.

Ayon sa ABS-CBN news na sinulat ni Gillan Ropero, kinilala ang siyam na tinaguriang "fur heroes" ng Pampanga na sina Billy, isang tatlong taong gulang na Belgian Malinois, Thunder, isang limang taong gulang na Jack Russel Terrier, sina Farah at Cody na mga German Shepherds, Lucy at Dumbo na mga Dutch Shepherds at sina Chia, Chaplin at Ringo na mga Labrador Retrievers.

Sa tulong ng mga asong ito, madaling naligtas ang mga na-trap sa gumuhong Chuzon supermarket sa Porac, Pampanga bunsod ng magnitude 6.1 na lindol noong Lunes, Abril 22.

Isa si Grace Melchor na empleyado ng pamilihan sa na-rescue sa tulong ng mga aso at maging ang katawan ng biktima na si May Ann Sales.

Ayon kay Sheryl Maon-Palcis, head ng MMDA K9's information and planning office, napagod ang mga asong ito na matiyagang tumulong sa paghahanap sa mga natitira pang tao sa loob ng supermarket. Ngunit matapos ang operasyon, maayos naman na ang kalagayan ng mga ito.

"The dogs are okay naman. Super tired nga lang kasi maghapon sila nagwork tapos super init pa," pahayag ni Palcis sa ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento pa ni Palcis, upang mabigyan ng "reward" ang mga aso na kasama sa kanilang training para ma-boost ang kanilang morale sa paggawa nila ng tama sa operasyon, naglagay umano sila ng mga taong ipahahanap sa mga aso na siyang magbibigay sa mga ito ng pabuya.

"Hindi naman sila mabibigyan ng reward ng victims na mahahanap nila so para hindi sila ma-frustrate and to boost their morale nagpapatago kami ng tao na hahanapin nila para lang mabigyan sila ng reward, either praise or toy reward," ayon kay Palcis.

Samantala, todo ang paghanga at pagsaludo ng mga netizens sa mga fur heroes na ito na malaki talaga ang naitulong sa rescue operation.

Katunayan, ang isang post patungkol sa kanila na binahagi ng Paws and click sa kanilang Facebook page, umabot na ito ng 8,000 reactions, 1,800 na komento at 21,000 na pagbabahagi.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng wedding proposal ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, nag-viral online

Video ng wedding proposal ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, nag-viral online

Video ng wedding proposal ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel