5 Beautiful Pinay celebs na nakatanggap ng sobrang mamahaling regalo

5 Beautiful Pinay celebs na nakatanggap ng sobrang mamahaling regalo

Narito ang 5 sa mga kilalang Pinay celebrities na maswerteng nakatanggap ng sobrang mamahaling regalo mula sa kanilang minamahal, kapamilya, kaibigan, at fans.

Habang ang iba sa kanila ay nakatanggap ng grabeng mamahaling regalo mula sa mga luxurious international brands na spotted ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sila ang iilan lang sa mga kilalang artisa mula sa Kapuso at Kapamilya na nabigyan ng mamahaling mga regalo na aming napag-alaman.

1. Heart Evangelista

Binigyan ng isang mamahaling bag si Heart Evangelista ng world-renowned shoe designer na si Christian Louboutin bilang belated birthday gift.

Ayon pa sa gmanetwork.com, ang naturang bag ay nagkakahalagang $1590.00 o mga 89,000.00 in Philippine peso.

Bukod pa rito ay nakatanggap na naman ng isang mamahaling regalo si Heart mula sa isa pang sikat na brand na Hermes.

2. Regine Velasquez

Nag-viral naman ang flower-shaped diamond ring na bigay ni Megastar Sharon Cuneta kay Asia's Songbird Regine Velasquez.

Sinabi pa umano ni Mega na ito raw ang pinakamahal na regalo na naibigay niya.

3. Toni Gonzaga

Amanpulo trip naman ang bigay ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa newlyweds na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano.

Ito ay ang mamahaling honeymoon gift ni Kris sa kanyang mga inaanak sa kasal.

Nagkakahalaga umanong $3, 880 o 182, 360 ang 3 days at 2 nights sa nasabing luxurious resort.

At kamakailan lang, niregaluhan na naman siya ng another Amanpulo trip ni Paul Soriano kasama ang kanilang unico hijo.

4. Gretchen Barretto

Isang mamahaling mga perlas naman ang natanggap ni Gretchen Barretto mula raw sa kanyang mister na si Tonyboy Cojuangco.

Christmas gift daw ito na isang south sea pearl necklace at ani pa sa balita, nagkakahalaga ang alahas na ito mula 220,000 hanggang 6,500,000 pesos umano.

5. Jinkee Pacquiao

Hindi na mabilang ang regalo na ibinigay ni Pacman sa kanyang maybahay na si Jinkee Pacquiao at isa na rito ay ang kanilang private beach resort sa Sarangani Province.

Ayon pa sa naunang balita ng news source, ito raw ang regalo ni Manny sa 33rd birthday ni Jinkee.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dimples Romana and Angel Locsin react to their viral memes on social media

Dimples Romana and Angel Locsin react to their viral memes on social media

Dimples Romana and Angel Locsin react to their viral memes on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel