Pastor, napagaling di umano ang Muslim na walang pandinig na nakilala lang niya sa airport

Pastor, napagaling di umano ang Muslim na walang pandinig na nakilala lang niya sa airport

- Pinagdasal lamang ng isang pastor ang nakilala niyang lalaki na walang pandinig at tila nagkaroon ng milagro

- Nakarinig na ang lalaking isa pa lang Muslim matapos nilang "magdasal" ng pastor na nakilala lamang niya sa airport

- Kinilabutan ang ilang mga netizens na naniniwalang isa itong maituturing na milagro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkaiba man ng relihiyon pero nadala sa dasal ng dalawang indibiwal na ito ang karamdaman ng isa para tuluyan na itong gumaling.

Sa ulat ng God TV Philippines na sinulat ni Rhoda Gayle, nakilala ng senior pastor of Church So Blessed International na si Hiram Grospe Pangilinan ang isang lalaki na walang pandinig habang naghihintay siya ng kanilang flight sa Ninoy Aquino International Airport in the Philippines.

Kinusap kasi ng pastor ang lalaki na kasama ang kanyang pamilya ngunit napansin niyang di siya marinig nito.

Doon, nabanggit ng lalaki na isa palang muslim na wala nang marinig ang isa niyang tenga habang ang kaliwa naman ay halos bingi na rin.

Dahil dito, naisipan ni pastor Hiram na mag-alay ng dasal para sa lalaki at subukan itong pagalingin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinabi ng pastor kung maaaring mag-alay din ng dasal ang lalaki sa tuluyan nitong paggaling.

“In Jesus name, I rebuke deafness, and I command healing now,” ang mismong mga salitang binitawan ng pastor.

Maya maya pa'y ngumiti ang lalaki at nang tanungin ng pastor kung nakakarinig na ito, sumagot agad ito ng "oo."

Kitang-kita sa larawan na maging ang misis ng lalaki ay sobra ang kagalakan sa milagrong naganap sa kanyang mister.

Patunay raw ito di umano na anuman ang ating relihiyon, kung bukal sa puso natin ang pagtulong at pananampalataya, walang imposible.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on Julia's viral photo

Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on Julia's viral photo

Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on Julia's viral photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel