Nadine Lustre, nangunguna sa poll ng top 6 Darna bets ng Viva

Nadine Lustre, nangunguna sa poll ng top 6 Darna bets ng Viva

Spotted ng KAMI ang pangingibabaw ni Nadine Lustre sa poll ng top 6 gorgeous Darna bets ng Viva.

Mukhang hindi lang ang dating direktor ng Darna na si Erik Matti ang bet si Nadine Lustre para gumanap bilang ang bagong Darna dahil tila ang mga netizens ay gusto rin ang huli para bumida.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpalabas ang Viva Entertainment ng kanilang sariling poll para sa kung sino ang bet ng mga netizens na susunod na maging Pinay superhero.

Tila inilista nila ang top 6 stars ng kanilang talent agency na una na ring pinagpilian ng mga tao na maging Darna.

Kaya ngayon, sisilipin natin ang total votes na natanggap ng mga ito, as of writing.

1. Nadine Lustre

Nangunguna sa ngayon si Nadine Lustre na nakakuha ng 3,602 votes.

2. Sarah Geronimo

Pumapangalawa ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na nakakuha ng 2,788.

3. Anne Curtis

Sumunod ang It's Showtime host na si Anne Curtis na merong 321 votes sa ngayon.

4. Yassi Pressman

Nasa 4th place naman, as of writing, ang leading lady ng hit Kapamilya teleserye na 'Ang Probinsyano.'

Nakakuha si Yassi Pressman ng 301.

5. Ryza Cenon

Nakakuha naman ng 83 votes sa ngayon ang 'The General's Daughter' star na si Ryza Cenon.

6. Coleen Garcia

Sa ngayon, nakakuha naman ng 17 votes ang gorgeous wifey ni Billy Crawford na si Coleen Garcia.

Ang ibang netizen ay tila naagaw ang pansin kay Chinita Princess dahil sa nag-viral na astig na horseback riding ni Kim Chiu sa socmed, bet rin siya ng mga netz maging Darna.

POPULAR: Read more news about Darna here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel