Batang Aeta na nabagsakan ng hollow block noong lindol, pumanaw na

Batang Aeta na nabagsakan ng hollow block noong lindol, pumanaw na

-Hindi na nakaligtas ang 2-anyos na Aeta na pumanaw na sa ospital kung saan ito isinugod

-Lunes nang yanigin ng 6.1 na lindol ang ilang parte ng Luzon at kasama ang bata sa mga biktima nito

-Pumanaw ito dahil sa respiratory failure ayon sa doktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumanaw na ang 2-anyos na batang Aeta na nabagsakan ng hollow block sa loob ng kanilang tahanan sa Floridablanca, Pampanga noong kasagsagan ng lindol nitong Lunes.

Nasawi ito nitong Miyerkules ng hapon, dalawang araw pagkatapos ng insidente ayon sa ulat ni Marisol Abdurahman ng GMA News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Binawian ito ng buhay sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital kung saan isinugod ang halos lahat ng biktima ng lindol sa lugar.

Ang ikinamatay nito, respiratory failure, ayon sa direktor ng nasabing ospital na si Dr. Monseratt Chichioco.

Matatandaang niyanig ng 6.1 Magitude na lindol ang ilang parte ng Luzon noong Lunes, bandang 5:00 ng hapon.

Samantala, sa iba pang ulat ng KAMI, isang 2-anyos na bata rin ang nasawi sa Porac, Pampanga dahil din sa lindol, matapos itong madaganan ng gumuhong pader ng kanilang kapitbahay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breastcancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer. -on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on daughter Julia's viral photo

Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on daughter Julia's viral photo

Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on Julia's viral photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel