2-anyos na binalikan ang tsinelas sa kasagsagan ng lindol, patay

2-anyos na binalikan ang tsinelas sa kasagsagan ng lindol, patay

-Namatay ang isang 2-anyos na bata sa Pampanga matapos itong madaganan ng pader ng kapitbahay noong kasagsagan ng lindol

-Ayon sa ina nito, binalikan lang ng bata ang tsinelas nito na naiwan sa kanilang bahay

-Hindi na nagawa pang habulin ng ginang ang bata dahil sa iba pa niyang anak na kasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na lungkot ang nadarama ng ginang na si Lalaine Arbis matapos mamatay ang kanyang anak na si Sophia, 2-anyos sa kasagsagan ng lindol noong Lunes.

Bibili lamang daw ang mag-iina nang biglang gumalaw ang lupa.

Ayon sa panayam dito ng GMA News, binalikan ng bata ang tsinelas nito na naiwan sa loob ng kanilang bahay sa Porac, Pampanga.

Ngunit bigla na lamang gumuho ang pader ng kanilang kapitbahay at natabunan si Sophia.

"Hindi ko na siya mahabol kasi kasama ko 'yung dalawa kong anak. Baby pa 'yung isa," kwento ng ginang.

"Nung binalikan ko siya nadaganan na siya ng pader. Wala na siya," dagdag nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaang niyanig ng Magnitude 6.1 na lindol ang ilang parte ng Luzon noong Lunes ng hapon at isa ang Porac sa mga may naitalang may matinding pinsala na una nang naibalita ng KAMI.

Ang isang gusali (Chuzon building) doon na may apat na palapag ay gumuho sanhi ng lindol at may pinakamaraming nasawi.

Samantala, wala pang 24 oras nang ang Eastern Samar naman sa Visayas ang yanigin ng 6.5 na lindol noong Martes.

Nakuhanan pa ng video ang pagtatakbuhan ng mga rescuer na nagsasagawa ng search and rescue operation nang muling yumanig ang lupa sa guho sa Pampanga.

Habang naitala naman ang ilang lindol din sa Mindanao nito lamang Miyerkules ng umaga na naibalita rin ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy doktor na nasa ibang bansa, walang kemeng sinabihan si Angel Locsin na 'empty can'

Pinoy doktor na nasa ibang bansa, minaliit si Angel Locsin

Pinoy doktor na nasa ibang bansa, minaliit si Angel Locsin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel