Lola sa Pampanga, natagpuang nakayakap sa apo sa ilalim ng gumuhong pader dala ng lindol

Lola sa Pampanga, natagpuang nakayakap sa apo sa ilalim ng gumuhong pader dala ng lindol

- Natagpuang nakayakap sa apo ang lola na natumbahan ng gumuhong pader dala ng lindol sa Lubao, Pampanga

- Papunta na sana sa open-area ng mag-lola ng bigla naman silang matumbahan ng gumuhong pader

- Sinikap naman ng ilang residente na isalba ang mag-lola ngunit huli na ang lahat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na pumanaw ang mag-lola nang maipit sa gumuhong pader bunsod ng may kalakasang lindol noong Lunes, Abril 22.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN kay Ella Concepcion, ina ng bata, natagpuan nilang nakadagan at nakayakap ang lola sa apo sa ilalim ng gumuhong pader.

Papunta na sana sa open-area ang mag-lola sa kalakasan ng pagyanig nang maipit ito ng pader.

Magkatabing nakaburol ang mga labi ng lolang nakilalang si Marie Olivia Paule, 56 anyos at apo nitong si Niella Paule, 6 na taong gulang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Emosyonal ang ina ni Niella na nilagay pa ang sandalyas at coloring materials na piinabili ng bata para sana sa summer classes nito na magsisimula sana sa Martes.

Kalunos-lunos ang sinapit ng lola na nabasagan ng bungo habang naglasog-lasog naman ang paanan ni Niella sa bigat ng pader.

Sinikap naman ng mga residente ng lugar na isalba ang maglola ngunit huli na ang lahat.

Tinatayang nasa 15 na ang kumpirmadong nasawi sa Pampanga at kasama na rito sina Olivia at Niella.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Mariel Padilla's response over Robin's viral photos with another girl

Netizens react to Mariel Padilla's response over Robin's viral photos with another girl

Netizens react to Mariel Padilla's response over Robin's viral photos with another girl
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel