Lalaking nag-park ng tricycle, nakaligtas sa gumuhong supermarket dahil sa lindol

Lalaking nag-park ng tricycle, nakaligtas sa gumuhong supermarket dahil sa lindol

- Nauna ang asawa at mga anak ni Jayson Dela Cruz sa Chuzon supermarket na siyang mga naging biktima ng pagguho nito

- Nag-park lamang siya ng kanilang tricycle nang biglang yumanig na ang paligid dahilan para gumuho ang pamilihan

- Sa kasamaang palad, isa ang kanyang mag-iina sa mga nasawi at di nakaligtas sa trahaedyang dala ng lindol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasabay ng pagguho ng Chuzon supermarket sa Porac, Pampanga, gumuho rin ang mundo ng Grocery store owner na si Jayson Dela Cruz nang makasamang ma-trap at mamatay ng kanyang mag-iina sa loob nito noong Lunes, Abril 22.

Nakaranas ng nasa magnitude 6.1 na pagyanig ang nasabing lugar dahilan para gumuho ang pamilihan kung saan may mga na-trap pa rin sa loob nito.

Ayon sa panayam kay Jayson ng ABS-CBN news, nauna ang asawa niyang si Manilyn at kanilang mga anak na sina Jacob, 6 na taong gulang at ang isang taong gulang na si Hailee sa supermarket dahil nag-park pa siya ng kanilang tricycle.

Maya-maya pa'y nagsimula nang gumalaw ang paligid at sa isang iglap lang, gumuho na ang pamilihan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Biglang lumindol na, hindi ko pa nai-park ‘yung tricycle namin, bigla na lang bumagsak ‘yung ano, hindi ko na sila nakita. Segundo lang," salaysay ni Jayson.

Sinubukan man daw na iligtas ni Jayson ang kanyang mag-iina ngunit huli na ang lahat.

Samantala, maging ang ina ng asawa ni Jayson na si Sanita ay di makapaniwala sa nangyari at di niya maatim tingnan ang anak at mga apo nito na nasa kabaong na.

Sa tindi ng emosyon, nasabi pa nito na maging siya ay nais na ring mamatay.

Agad niya kasing naisip ang anak at mga apo nang magsimula nang lumindol at tila tama nga ang pakiramdam niyang may masamang nangyari sa mga ito.

Nabanggit din ni Sanita na dapat may managot sa nangyari sa kanyang mga mahal sa buhay.

Kaugnay nito, sumailalim na sa interogasyon ang may-ari ng Chuzon supermarket na si Supermarket owner Samuel Chu at assistant manager na si Kaye Toledo. Kasalukuyan na ring suspendido ang mga permit ng iba pa nilang negosyo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel