OFW na may cancer, binigyan ng malaking halaga ng amo upang magpagamot

OFW na may cancer, binigyan ng malaking halaga ng amo upang magpagamot

- Tinamaan ng breast cancer ang OFW na si Marissa Tanael nang nagtatrabaho pa siya sa Saudi Arabia

- Masasabing maswerte siya sa amo na sumama pa sa kanya sa pagpapatingin sa doktor at dun nakumpirma ang kanyang karamdaman

- Di siya talaga pinabayaan nito at nang umuwi na siya ng Pilipinas, pinadalhan pa siya ng malaking halaga para magamit nitong pampagamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng mga kwentong OFW kung saan nakararanas ang karamihan sa kanila ng pagmamaltrato at di magandang kapalaran, mayroon din namang tila sinuwerte na magkaroon ng mabubuting amo.

Tulad na lamang ng nakapanayam ng KAMI na dating OFW na si Marissa Tanael at binahagi nito ang kakaiba niyang karanasan sa pakikipagsapalaran sa Saudi Arabia.

Halos pitong buwan lamang na nanilbihan doon si Marissa nang may nakapa siyang bukol sa kanyang dibdib.

OFW na may cancer, binigyan ng malaking halaga ng amo upang magpagamot

source: KAMI
Source: UGC

Isinantabi lamang niya ito dahil maliit lamang ito at di naman nakasasagabal sa kanyang trabaho.

Ngunit nang muli niya itong kapain, lumaki na ito at doon siya nabahala.

Masasabing mabait ang kanyang amo na sinamahan pa siyang kumunsulta sa doktor. Doon nila nakumpirma ang kanyang karamdaman na mayroon na pala siyang breast cancer.

OFW na may cancer, binigyan ng malaking halaga ng amo upang magpagamot

Si Marissa noong kalakasan pa niya kasama ang kanyang asawa
Source: UGC

Inalok siya agad ng kanyang amo na magpa-opera doon ngunit sa pag-aalala na walang mag-aalaga sa kanya matapos ang operasyon, minabuti niyang umuwi na lamang ng Pilipinas.

Pumayag ang employer ni Marissa na umuwi siya sa Pilipinas upang makapagpagamot. Sa airport, binigyan siya ng amo niya ng manumbas ₱100,000 at binilhan pa siya ng mamahaling cellphone na may market value noon na ₱30,000.

OFW na may cancer, binigyan ng malaking halaga ng amo upang magpagamot

Patuloy pa rin ang gamutan ni Marissa sa kanilang tahanan
Source: UGC

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod pa rito, inabutan pa siya ng kanyang amo ng sobre. Bilin ng amo na bubuksan lamang niya ito pagdating niya sa Pilipinas. Sinunod naman niya ito kaya pagdating sa Pinas, nagulat siya nang buksan ang sobre at nakitang resibo pala ito ng remittance na nagkakahalaga ng ₱200,000.

Ginamit niya ang pera sa pagpapa-opera niya dito sa Pilipinas. Di na muli siya nakapagtrabaho dala ng kanyang karamdaman.

Ang masaklap pa sa kanyag sitwasyon, nakakapa siya muli ng bukol sa kanyang leeg. Ito pala ay sintomas ng komplikasyon ng kanyang cancer.

Narito ang kabuuan ng panayam ng KAMI kay Marissa

Nito lamang January 19, taong kasalukuyan, na-admit muli siya sa ospital. Hinang hina na siya noon at nagkaroon na pala ng tubig ang puso at kanyang baga. Dahil dito, muli siyang inoperahan.

Inabot ng dalawang buwan si Marissa sa ospital bago siya nakalabas at pinagpapatuloy na lamang nila sa bahay ang gamutan nito. Sa kakulangan sa pera, dalawang beses lamang siyang nakapagpa-chemotherapy.

Kinailangan tuloy huminto sa trabaho ng kanyang mister dahil walang ibang mag-aalaga sa kanya at maging sa dalawa nilang mga anak.

Aminadong hirap na sa kanilang sitwasyon ang dating OFW. Malaking bagay ang tulong ng kanyang dating amo na trinato siyang kapamilya at di siya pinabayaan ngunit dahil di na siya nakabalik doon para magtrabaho, kailangan na nila muli ng tulong.

Laking pasalamat din niya sa kanyang mga kapatid na nagtutulungan upang masuportahan si Marissa at kanyang pamilya ngunit di rin ito sapat para sa kanyang mahaba-habang gamutan.

Para sa mga nais tumulong, maaring ipaabot ito sa kanang kapatid na si Maritess Tanael Torres sa numerong 09497470843.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel