Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan

Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan

-Nagtakbuhan ang mga rescuer sa gumuhong gusali sa Porac, Pampanga matapos itong yanigin muli ng 4.5 na lindol

-Nangyari ito habang patuloy silang nagsasagawa ng search and rescue operation sa mga natabunan sa guho

-Ilang lindol pa ang naitala sa bansa matapos ang mga lindol sa Luzon at Visayas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ramdam ang muling pagyanig ng lupa sa gumuhong gusali sa Porac sa Pampanga na nakuhanan pa ng video.

Ang mga rescuer na sumagip sa maraming buhay na na-trap sa loob ng guho, kanya-kanya namang takbo para mailigtas ang sariling buhay.

Ayon sa caption ng video post ng GMA News sa kanilang Facebook page:

"Ramdam ang pagyanig ng Magnitude 4.5 na lindol habang nagsasagawa ng search and rescue operations ang mga awtoridad sa gumuhong gusali sa Porac, Pampanga."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaang naibalita ng KAMI nang niyanig ng 6.1 na lindol ang Luzon noong Lunes ng hapon.

Nagdulot ito ng takot para sa marami lalo pa at nauna nang nagbigay ng babala sa "the big one".

Ang Chuzon building sa Porac, Pampanga, gumuho at kumitil sa 5 katao at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang search and rescue doon.

Wala pang 24 oras nang muling lindulin ang bansa sa parteng Visayas na may lakas namang 6.5 Magnitude.

Miyerkules ng umaga nang ang Mindanao naman ang nakaranas ng dalawang magkasunod na lindol na naibalita rin ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel