Celebrity Weddings! 5 Pinoy celebrities na ikinasal ngayong 2019

Celebrity Weddings! 5 Pinoy celebrities na ikinasal ngayong 2019

Bago matapos ang buwan ng Abril ng 2019 ay muling sisilipin ng KAMI ang 5 sa mga Pinoy celebrities na ikinasal sa kanilang minamahal ngayong taon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sila ang mga showbiz at celebrity couples na nagpalitan na ng kani-kanilang 'I dos' sa altar sa taong ito mula January hanggang April na pinag-usapan ng marami lalong lalo na sa online world.

1. Moira Dela Torre and Jason Marvin Hernandez

Sa pagbubukas ng taon ng 2019 ay ikinasal na ang isa sa mga judges ng Idol Philippines at award-winning singer-songwriter.

January 14, 2019, isang ganap na misis si Moira Dela Torre.

2. Slater Young and Kryz Uy

Buwan naman ng mga puso nang ikinisal ang Pinoy Big Brother Big Winner na si Slater Young sa girlfriend niyang blogger na si Kryz Uy noong February 16.

Ikinasal ang dalawa sa Cebu, ang kanilang hometown.

3. Jako de Leon and Gillian Salita

Ikinasal din ngayong taon ang isa sa mga anak na lalaki ni Eat Bulaga Pinoy Henyo Master Joey de Leon na si Jako de Leon sa kanyang longtime girlfriend na si Gillian Salita.

Nangyari ang kasal noong March 16, sa Archbishop's Palace sa Pasig City.

4. Michelle Madrigal and Troy Woolfolk

Ikinasal na din ang dating aktres na si Michelle Madrigal sa kanyang American partner at ama ng kanyang baby na si Troy Woolfolk sa Austin, Texas.

5. Dani Barretto and Xavi Panlilio

Kahapon, April 23, naman ginanap ang wedding ng panganay ni Marjorie Barretto sa ex na si Dani Barretto sa boyfriend niyang si Xavi Panlilio.

Imbitado sa nasabing kasalan ang pinsan niya sa ama na si Mavy Legaspi.

Sinoy kaya sa mga celebrity couples natin ngayon ang susunod?

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel