Video ng aktwal na paggalaw ng mga gusali sa dumaang lindol sa Maynila nag-viral

Video ng aktwal na paggalaw ng mga gusali sa dumaang lindol sa Maynila nag-viral

- Isang video ang nagpakita kung paano gumalaw ang matataas na gusali sa Maynila

- Makikitang nayayanig ang mga gusali na talaga namang nakakabahala

- Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang mga karanasan sa dumaang lindol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakunan ng video kung paano gumalaw ang ilang mga gusali nang lumindol sa ilang bahagi ng Pilipinas noong Lunes.

Nalaman ng KAMI, na may nakakuha ng video ng paggalaw ng mga gusali sa Sta. Mesa, Manila.

Ito ay nakunan ni Arbby Domingo at ipinakita ng ABS-CBN News sa kanilang Facebook page.

Bukod sa gusaling ito, tinipon ng nasabing news agency ang iba pang mga video clips ng lindol na ibinahagi sa social media.

Kabilang na dito ang kuha ni Michael Rivo ng Anchor Skysuite Binondo kung saan makikitang may nagmistulang waterfall ng tubig sa gilid ng gusali.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May sunog din na nangyari sa Cabanatuan pagkatapos ng lindol. Matatandaang sunud-sunod na lindol ang yumanig sa Davao bago ang lindol noong Lunes.

Ang naganap na lindol ay napakalakas at ilang bahagi ng Pilipinas ang natamaan. Lima ang namatay sa hilagang Maynila.

Ang Clark International Airport ay nagsara dahil sa nasirang mga bahagi ng building. Kahit na ang biyahe ng mga tren ay naantala dahil sa lindol. Nagdulot din ito ng sobrang trapik sa daan.

Ang Pilipinas ay nakaupo sa Pacific Ring of Fire, at ito ang tinaguriang isa sa mga pinaka aktibong bahagi ng mga lindol sa mundo. Ninety percent ng mga lindol ay dito nagaganap sa Pacific Ring of Fire.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo recounts her most embarrassing moment on set and it's utterly hilarious! Watch it on Human Meter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel