Kasambahay, hinikayat ng amo na mag-aral; nagtapos bilang Magna cumlade

Kasambahay, hinikayat ng amo na mag-aral; nagtapos bilang Magna cumlade

-14-anyos pa lamang daw ang kasambahay na si Alfonsa Tilasa nang magsimulang mag-trabaho

-Hanggang sa mapunta siya sa pamilya ni Marivic Flores, na siya ring humikayat sa kanya upang mag-aral

-Sa tulong ng amo at ng scholarship, nakapagtapos si Tilasa bilang Magna cumlaude

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bata pa lamang ay batak na sa trabaho ang kasambahay na si Alfonsa Tilasa. 14-anyos pa lang daw siya nang magsimulang mag-trabaho.

Ang kanyang istorya, naitampok sa isang artikulo ni Bea Zaragosa ng ABS-CBN News.

Mula noon, nagpalipat-lipat na raw siya ng trabaho hanggang sa mapunta siya sa pamilya ni Marivic Flores.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Flores daw ang siyang nanghikayat sa kanya upang mag-aral muli. Nagdalawang-isip na raw kasi siya kung ipagpapatuloy pa ang pag-aaral.

Pero sa tulong ng kanyang amo at ng scholarship, nakapagtapos si Tilasa ng kursong B.S. Computer Science sa isang kolehiyo sa Oton, Iloilo.

Sabi naman ni Flores, tinulungan niya si Tilasa dahil naniniwala siyang swerte ito sa negosyo at dahil na rin sa kagustuhang makatulong.

Malaki ang pasasalamat ng 28-anyos na kasambahay sa kanyang amo dahil sa ginawang pagtulong nito sa kanya.

At ayon pa sa report, hinihikayat naman daw ni Flores na humanap ng propesyunal na trabaho si Tilasa.

Samantala, naibalita rin ng KAMI ang isa namang dating yaya, mananahi at kasambahay rin ang nagtapos bilang Magna cumlaude sa Cebu City.

Nakakatuwa na maraming Pilipino ang nananatiling matatag at matyaga, makamit lamang ang pangarap na medalya.

Sa isang artikulo ng KAMI, isang binatilyo naman na paralisado ang nagtapos rin sa kabila ng kanyang kapansanan.

Ito ay dahil na rin sa tulong at sakripisyo ng kanyang ina na araw-araw siyang kinakarga papasok at pauwi.

Kasambahay, hinikayat ng amo na mag-aral; nagtapos bilang Magna cumlade

Photo source: Facebook
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Rayver Cruz, trending ang mga pictures at videos sa 30th birthday

Rayver Cruz, trending ang mga pictures at videos sa 30th birthday

Rayver Cruz, trending ang mga pictures at videos sa 30th birthday
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel