Mga boses at text mula sa guho sa Porac, dahilan sa patuloy na rescue

Mga boses at text mula sa guho sa Porac, dahilan sa patuloy na rescue

-May mga boses pa raw na naririnig ang ilang rescuer mula sa gumuhong Chuzon building kung kaya patuloy pa rin ang search and rescue doon

-Maliban dito, may mga text pa umano mula sa mga posibleng natabunan sa guho

-Ayon sa ulat, isa na lamang ang nawawala ngunit hindi pa rin ito tiyak dahil walang nakakaalam sa eksaktong bilang ng tao sa gumuhong establisyemento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patuloy pa rin ang search and rescue operation sa gumuhong Chuzon building sa Porac, Pampanga matapos itong yanigin ng 6.1 lindol nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, may mga boses pa raw na naririnig mula sa gumuhong building.

Bukod rito, may mga text din mula sa posibleng natabunan roon.

Ang ikaapat na palapag na lamang ang makikita mula sa gumuhong establisyemento.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagamat naiulat na isa na lamang ang posibleng nawawala pa, maaaring dalawang katao pa ang na-trap doon ayon sa mga rescuer.

Ngunit hindi pa rin ito tiyak dahil wala naman daw nakakaalam ng eksaktong bilang ng tao sa loob ng building noong mangyari ang trahedya.

Mayroon pa rin ilang mamamayan ang naghahanap sa mga kaanak na empleyado doon.

Samantala, ayon sa isang survivor, sobrang hirap raw ng dinanas nila bago nakaalis mula sa guho at inakalang katapusan na ng mundo.

Una nang naiulat ng KAMI na 11 ang kumpirmadong namatay dahil sa Luzon quake, mahigit 80 ang sugatan habang mahigit 20 pa ang nawawala.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel