Actual footage sa loob ng 1 botika habang lumilindol sa Northern Samar

Actual footage sa loob ng 1 botika habang lumilindol sa Northern Samar

-Tunay ngang nakakakilabot ang mga eksena sa loob ng isang botika habang niyayanig ito ng lindol nitong Martes

-Isang 6.5 magnitude na lindol ang yumanig sa Eastern Samar bandang 1:37 p.m

-Nagyari ito wala pang 24 oras ang lumipas ng ugain din ng 6.1 magnitude na lindol ang Luzon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kanya-kanyang labasan ang ilang customer ng isang botika sa Catarman, Northern Samar habang ang mga empleyado nagyakapan at sumilong muna matapos itong yanigin ng lindol nitong Martes.

Ang insidente, kuhang-kuha sa isang CCTV footage sa loob ng botika.

Ang video mula sa may-ari nito, ibinahagi sa Facebook page ng ABS-CBN News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bandang 1:37 pm nang yanigin ng 6.5 magnitude na lindol ang Eastern Samar nitong Martes na una nang naibalita ng KAMI.

Ang epicenter nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala siyam na kilometro sa hilagang kanluran ng San Julian town.

Naramdaman ang intensity V sa Tacloban City at Catbalogan City.

Wala pang 24 oras matapos namang tamaan ng 6.1 magnitude ang Luzon, Lunes ng hapon, kung saan pito ang naiulat na nasawi.

Sa isang artikulo ng KAMI, dalawang bata ang kumpirmadong namatay sa Porac, Pampanga dahil sa trahedya.

Samantalang isa namang tindera sa gumuhong Chuzon building ang kinailangang putulin ang binti para masagip matapos ma-trap sa loob, naitampok rin ito sa isang artikulo ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel