DJ Jhaiho,ikinuwento ang nakakatakot na karanasan nila ni Toni Gonzaga nang lumindol

DJ Jhaiho,ikinuwento ang nakakatakot na karanasan nila ni Toni Gonzaga nang lumindol

- Ikinuwento ni DJ Jhaiho ang nakakatakot na karanasan nila ni Toni Gonzaga nang lumindol habang nasa 14th floor sila

- Sa kalagitnaan ng interview ni DJ Jhaiho kay Toni ay niyanig sila ng lindol

- Napa-comment ang PBB Otso host sa post ng DJ at ibinahagi rin ang hindi makakalimutan na pangyayaring ito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa nakakaba at nakakatakot na pangyayari kahapon sa pagyanig ng lupa ay hindi na naiwasan ni DJ Jhaiho na ibahagi ang hindi makakalimutan na karanasan niya habang iniinterview si Toni Gonzaga sa 14th floor ng ABS-CBN at naispatan ito ng KAMI.

Ibinahagi ni DJ Jhaiho ang parte ng video ng report ng TV Patrol kung saan makikita sila ni Toni habang lumilindol.

Ani pa ng radio host sa kanyang pagkuwento sa Instagram:

"Super Hindi ko malilimutan ang lindol! Pansinin ang pag uga ng mga halaman sa aming likuran. In the middle of my one on one interview niyanig kami ni Toni Gonzaga sa 14th floor ng ABS-CBN nakaka takot as in! Super dasal kami hanggang makababa. Pack up ang taping. Re sched. Waaaa Maraming Salamat LORD Jesus safe kami lahat! #ShowbizPaMore @jeepneytv"

Napa-comment na lang din si Toni Gonzaga sa naturang post ng DJ at sinabing:

"Jhai!!! pinaka matagal kong holding hands sa abs. From 14th till exit! iba na ang pinagdaanan natin."

Nagpasalamat naman si DJ Jhaiho kay Toni dahil sa pagpapakalma nito.

Saad pa niya:

"@celestinegonzaga totoo ate at higpit to the max as in magkamag-anak level labyu ate thank you for calming me po habang tense na tense ako."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel