5 Kapuso actresses na pwede raw gumanap bilang si Doctor Kang sa 'Descendants Of The Sun' remake

5 Kapuso actresses na pwede raw gumanap bilang si Doctor Kang sa 'Descendants Of The Sun' remake

Inanunsyo na ng GMA-7 kamakailan lang na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang gaganap sa papel ni Captain Yoo Si Jin o kilala rin sa tawag na 'Big Boss' para sa Pinoy adaptation ng sikat na Korean drama series na 'Descendants Of The Sun o DOTS.'

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At ngayon, naispatan ng KAMI ang 5 sa mga sikat na Kapuso actresses na pwede raw gumanap sa papel ni Doctor Kang Mo Yeon o kilala rin sa pangalan na 'Beauty.'

1. Marian Rivera

Nangunguna ang misis ni Dingdong Dantes na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na ngayon ay mother of two na sa napipisil ng mga netizens at fans.

Ito ay pagkatapos kumuha ng opinyon ang cosmo.ph sa kanilang IG stories tungkol dito.

2. Carla Abellana

Bet rin ng mga netz si Carla Abellana na gumanap sa naturang papel.

Hindi naman bago si Carla sa mga remakes dahil ang kanyang unang lead role ay ang papel na Rosalinda na adaptation din ng Pinas sa Mexican series noong 2009.

3. Heart Evangelista

Isa rin sa gusto ng mga faney na gumanap sa naturang papel ay si Darling of the Philippines na si Heart Evangelista.

Una ng ginawa ni Heart ang remake ng Full House noong 2009 at ang romantic series na 'My Korean Jagiya' noong 2017.

4. Jennylyn Mercado

Isa pang Kapuso aktres na hindi na bago sa mga remakes ay si Jennylyn Mercado.

Kaya hindi na rin sorpresa na mapili siya ng mga fans at netizens na pwedeng gumanap sa nasabing papel.

Ginawa ni Jennylyn ang remake ng 'My Love From The Star' noong 2017.

5. Kylie Padilla

Isa pang bet na gumanap sa papel ni Doctor Kang ay si Kylie Padilla.

Una ng naging bet ng mga netizens si Kylie para gumanap sa papel dahil kung acting at kagandahan naman lang daw ay pasadong pasado ang galing at beauty ng anak ni Binoy.

Ginampanan ng dalawang Korean superstars at favorite showbiz married couples na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo ang papel nina Big Boss at Beauty sa Descendants Of The Sun (DOTS).

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel