Tinderang na-trap sa gumuhong supermarket, pinaputol ang paa makalabas lang sa gusali

Tinderang na-trap sa gumuhong supermarket, pinaputol ang paa makalabas lang sa gusali

- Na-trap ang isang tindera sa Chuzon supermarket sa Porac, Pampanga

- Nabagsakan umano ng concrete debris ang paa ng babae kaya ilang oras itong na-trap sa gusali

- Nagdesisyon na siyang ipa-putol ang binti upang makaalis na sa gusali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Na-trap ang isang 25 anyos na tindera ng cellphone sa Chuzon Supermarket matapos itong gumuho dala ng matinding pagyanig na naganap kahapon, Abril 22.

Kwento ng tinderang nakilalang si Maria Martin sa ABS-CBN news, nabagsakan umano concrete debris ang mga paa niya kaya di siya nakaalis sa gusali.

Tumagal siya ng tatlong oras sa supermarket at sa tagal, naisip niyang siya na mismo ang pumutol sa sarili niyang mga paa para lamang makaalis sa gumuhong supermarket.

“Puputulin ko na po yung paa ko. Nakakita po ako ng parang kutsilyo siya, ako na lang puputol para makatakas ako dito. Naisip ko lang po nang wala pang dumating na tulong,” salaysay ni Maria.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Makalipas ang ilang oras, natagpuan si Maria ng rescue team at agad siya sinalinan ng dugo dahil sa labis na pagdurugo ng sugatang ulo.

Nahirapan din ang rescuers sa pagsagip sa babae kaya pumayag na itong putulin ang kanyang kanang binti.

“Pumayag naman po ako para sa buhay ko din, para sa pamilya ko din,” paliwanag ni Maria.

Agad na nadala sa ospital si Maria kung saan siya binigyan pa ng karampatang lunas. Sasailalim pa rin siya sa operasyon ng paa upang masiguro na maayos na ang pagkakaputol nito.

Tulad ng lalaking nasagip sin mula sa Chuzon supermarket na una nang naibalita ng KAMI, sa lamang si Maria sa maswerte pa rin kahit na paano na nakaligtas dito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel