5 Famous Pinay celebs na nangunguna sa mga iniidolo ng 20 Kapamilya stars

5 Famous Pinay celebs na nangunguna sa mga iniidolo ng 20 Kapamilya stars

Kamakailan ay tinanong ang 20 Kapamilya stars kung sino ang kanilang paboritong female celebrities o artists sa industriya.

At napag-alaman ng KAMI ang top 5 famous Pinay celebs na nangunguna sa mga pangalan na lumabas na iniidolo ng twenty artists na itinanong.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa selebrasyon ng International Women's Month noong Marso ay isiniwalat ng 20 ABS-CBN female stars ang kanilang Kapamilya idols na kanilang tinitingala, nag-inspire, o nag-impluwensiya sa kanila sa kani-kanilang karera.

1. Judy Ann Santos-Agoncillo

Nangunguna na pangalan na binanggit ng tatlo sa 20 Kapamilya stars na iniidolo nila na actress o artista ay si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Idol at inspirasyon nina Iza Calzado, Heaven Peralejo, at Isabelle Daza ang 'Prime Superstar' na si Juday.

2. Angel Locsin

Sumunod naman ang 'The General's Daughter' actress, Angel Locsin, sa na pangalanan ng dalawa sa 20 ABS-CBN stars.

Paboritong aktres nina Myrtle Sarrosa at Maymay Entrata si Angel.

3. Angelica Panganiban

Isa rin sa paboritong pinangalanan ng dalawa sa 20 Kapamilya stars na tinanong ay si Angelica Panganiban.

Pinili nina Elisse Joson at Maxene Magalona si Angge na kanilang paboritong aktres.

4. Regine Velasquez

Isa rin ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa nangunguna na pinangalanan ng dalawa sa 20 stars ng ABS-CBN na kanilang paborito o iniidolo.

Iniidolo nina Jona at Lani Misalucha ang kanilang kaibigan at kapwa diva na si Regine.

5. Sarah Geronimo

Nangunguna din ang pangalan ni Sarah Geronimo sa inspirasyon at iniidolo ng dalawa sa 20 female ABS-CBN stars.

Idol naman nina Vivoree Esclito at Maymay Entrata si Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Isa si Sarah sa mga pangalan na ibinigay ni Maymay.

Iniidolo rin ng Pinoy Big Brother Big Winner sina Yeng Constantino, Vina Morales, Bea Alonzo, at Dimples Romana.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel