Parte ng SCTEX, nakuhanan ang aktwal na pagkakabitak dahil sa lindol

Parte ng SCTEX, nakuhanan ang aktwal na pagkakabitak dahil sa lindol

-Isang video kung saan nakuhanan ang pagbibitak-bitak ng ilang parte ng SCTEX sanhi ng 6.1 magnitude na lindol

-Ang kuhang ito ng netizen, agad na nag-viral at nagdulot ng kilabot para sa marami

-Samantala, 7 katao na ang nakumpirmang namatay dahil sa Luzon quake kahapon, April 22. Mahigit 80 ang sugatan at mahigit 20 ang nawawala pa rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakapangingilabot ang isang video na in-upload ng DZMM mula sa kuha ng netizen na si Ken Relucio Labios, kung saan kitang-kita ang pagbibitak-bitak ng isang parte ng SCTEX!

Ayon sa caption mula sa ulat ng ABS-CBN News, nangyari ito sa northbound ng SCTEX-Floridablanca.

Ito ay sanhi ng 6.1 magnitude na lindol na tumama sa ilang parte ng Luzon nitong Lunes, April 22.

Ang viral video na ito, nagdulot ng kilabot para sa maraming netizens.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa isang ulat ng GMA News, pito na ang kumpirmadong patay at 81 ang sugatan. Habang 24 pa ang nawawala sanhi ng trahedya ayon naman sa NDRRMC.

Sa gumuhong Chuzon building sa Porac sa Pampanga ang karamihan sa mga naiulat na nawawala.

Sa isang ulat ng KAMI, dalawang bata, edad 3 at 7, ang kumpirmadong namatay sa Porac.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Larry Gadon assists ‘Bikoy’ to file raps vs. opposition over ‘Ang Totoong Narcolist’ videos

Larry Gadon assists ‘Bikoy’ to file raps vs. opposition over ‘Ang Totoong Narcolist’ videos

Larry Gadon assists ‘Bikoy’ to file raps over ‘Ang Totoong Narcolist’ videos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel