Trahedya sa Pampanga! 2 bata sa Porac, kumpirmadong patay

Trahedya sa Pampanga! 2 bata sa Porac, kumpirmadong patay

-Kinumpirma mismo ng bise alkalde ng bayan ng Porac ang pagkasawi ng dalawang bata matapos ang 6.1 magnitude na lindol

-Ayon sa bise, mula sa dalawang magkahiwalay na barangay ang batang edad 3 at 7 taong gulang

-Samantala, ilang katawan pa ang nakuha mula sa gumuhong Chuzon building sa nasabing bayan rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dalawang bata mula sa magkaibang barangay ang kumpirmadong namatay mula sa naranasang 6.1 magnitude na lindol kahapon, April 22, sa Porac, Pampanga.

Kinumpirma ito mismo ni Vice Mayor Dexter David sa isang panayam sa 24 Oras ng GMA News kagabi.

Ayon kay Vice Mayor David, hindi na nakaligtas pa ang mga bata.

"Nasawi na po 'yung mga bata. Hindi po sila nag-survive," anito sa panayam sa kanya ni Mike Enriquez.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa Chuzon building, na isa sa mga gumuhong establisyemento sa nasabing bayan, patuloy pa ring may nakukuhang katawan.

Sa isang report ng ABS-CBN News, limang katao na ang kumpirmadong namatay dito.

May mga na-rescue na rin mula sa loob ng gumuhong building at karamihan raw sa mga ito ay tulala pa rin.

Isang babae ang naiulat na naputulan ng binti dahil din sa trahedya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy doktor na nasa ibang bansa, minaliit si Angel Locsin

Pinoy doktor na nasa ibang bansa, minaliit si Angel Locsin

Pinoy doktor na nasa ibang bansa, minaliit si Angel Locsin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel