Paglindol sa Luzon, nakita di umano ng Pinoy psychic noon pang Pebrero

Paglindol sa Luzon, nakita di umano ng Pinoy psychic noon pang Pebrero

- Nagkaroon na raw ng pangitain noon pang Pebrero ang Pinoy psychic na si Jay Costura sa naganap na lindol kahapon, Abril 22

- Muli niyang binahagi ang naturang post na tugma sa naganap na pagyanig sa ilang bahagi ng lindol

- Nagpaalala rin ang Nostradamus ng social media na mag-ingat at samahan ng dasal na ilayo tayo sa anumang kapahamakan gaya ng naranasan kahapon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nag-viral ang post ng tinatawag na Nostradamus ng Pilipinas na Jay Costura.

Ito ay ang naturang post niya noon pang Pebrero ng kasalukuyang taon kung saan nakita niya umanong yayanigin ng lindol ang ilang bahagi ng Luzon partikular na sa Metro Manila.

Lunes, Abril 22 nang makaranas ng may magnitude 6.3 na lindol ang Luzon lalo na ang Zambales kung saan ang sentro nito.

Maging sa kamaynilaan at damang dama ang may kalakasang paggalaw na ikinatakot ng publiko.

Sinasabing ito marahil ang nasa pangitain ni Jay noong Pebrero na muli na namang naganap gaya na lamang ng iba niyang premonisyon na una nang naibalita ng KAMI.

Aminado si Jay na minsan ay pinanghihinaan din siya ng loob sa mga nakikita ngunit tanging dasal at pananampalataya sa Diyos ang nagsisilbing lakas niya tuwing nakikita niya ang mga pangitaing ito.

Samantala, di maiwasang mangamba ng ilang netizens gayung alam nila na madalas magkatotoo ang mga premonisyon na ito ni Jay. Ang ilan naman ay may parehong pangitain din gaya ng nakikita ni Jay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Jay, I am so scared. Palagi din akong nakakita ng trahedya but I am so worried masabihan ng ibang tao na weird ako. Nasense ko din ito month of February. Me and my husband on our way for important meeting then suddenly I ask him what will happen kung biglang lumindol ng malakas then nakita ko na madaming nagtatabuhan.. Hirap pala ng ganito.."
"ms jay ngyayari tlg po mga dreams mo po..thank you s pgshare ng nkkita mo...hayaan mo nlng ung mga taong ndi naniniwala sau.."
"Naalala kong ipinost mo na may magaganap na pagGalaw ng lupa. Keep safe and Keep Praying EveryOne"
"Noong nabasa ko po ung post nyo madam kinilabutan ako at parang ramdam kong mangyayari din sa pampangga .. at jusko yung nga nangyari nga po at naisip ko po ung pangitain nyo po.. keep safe po sa lahat"
"Nung lumindol ms. Jhay, naalala q po ung post mo... Nakakapanindig balahibo po, Sna po Gabayan po tyo ng poong Maykapal.. ingat po kayo Ms. Jhay!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel