Pinay DH na 5 buwan pa lang sa Hong Kong, namatay dahil sa sakit

Pinay DH na 5 buwan pa lang sa Hong Kong, namatay dahil sa sakit

-Sa loob ng limang buwan lamang sa Hong Kong bilang domestic helper, nasawi si Maristel Pepito, 35, dahil sa sakit

-Ang kanyang lagay, naagapan sana kung naipagamot agad ang Pinay

-Naulila ng ginang ang kanyang asawa na isang construction worker at tatlong anak na pawang mga menor de edad pa lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nailigtas sana ang OFW na si Maristel Pepito, 35-anyos, mula sa kamatayan kung agad itong naipagamot.

Ang pamilya at mga kaibigan ng OFW naniniwalang ang kondisyon na pinagdaanan ng Pinay sa loob lamang ng limang buwan ay dahil sa kakulangan ng sapat na pahinga at pagkain maging ng kapabayaan ng mga amo nito.

Ayon sa isang report ng South China Morning Post, isang malayong pinsan nito na si Susan Polo, ang nagsabing hindi ito nakakakain at nakakapagpahinga ng sapat.

OFW na namatay sa HK, naagapan sana kung naipagamot agad

Photo source: South China Morning Post
Source: Facebook

Minsan na rin daw itong binigyan ng expired na pagkain ng amo tulad ng manok at cookies.

Ngunit sa kabila nito, hindi raw naisip ng ginang na talikuran ang kontrata nito dahil na rin sa pangangailangan ng pamilya sa Pilipinas.

“She was a very loving mother, who did this job and sacrificed for the family,” sabi ni Polo ayon sa report SCMP.

Ayon din sa report, isang source na malapit at kasama ni Pepito sa simbahan ang nagsabing sariling pera pa nito ang ginamit para makabili ng pagkain noong unang buwan nito sa HK.

At kahit pa nga raw nagsabi na si Pepito sa mga amo nito kaugnay nito ay hindi pa rin natinag ang mga ito.

Minsan na rin daw binigyan ng kanin, 12 maliliit na hotdog, 4kg ng baboy at beans lang ang Pinay DH para sa sarili nitong pagkain sa loob ng isang buwan.

Hindi raw kasi madalas na kumakain ang pamilyang pinagsisilbihan nito sa bahay.

Umaabot rin daw sa 16 na oras ang duty nito at madalas na walang dayoff.

Apat na palapag ang bahay na kailangan nitong linisin at marami ring labahin at plantsahin dahil anim ang miyembro ng pamilya na pinagsisilbihan nito.

Noong Enero, na-ospital si Pepito dahil sa pneumonia at senyales ng lupus.

Makalipas ang 17 araw sa ospital, na-discharge na ito ngunit mahina at umuubo pa rin daw ang ginang.

Makalipas lamang ang ilang araw ay tumawag raw sa kanya si Pepito para sabihing umuubo na ito na may kasamang dugo, ayon sa nasabing source.

Nang tawagan raw kasi ni Pepito ang mga amo nito ay sinabing humingi ng tulong sa iba dahil abala ang mga ito.

Agad raw siyang tumawag ng ambulansya para kay Pepito. Naisugod naman ito sa ospital ngunit pumanaw rin pagkatapos ng dalawang araw.

Ikinagulat raw ito ng source dahil ang sabi raw ng mga doktor ay nagagamot ang sakit nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naiuwi na ang katawan ni Pepito sa Pilipinas noong nakaraang buwan.

Hindi pa rin makapag-bigay ng pahayag si Philippine consul Roderico Atienza dahil kasalukuyan pang nangangalap ng impormasyon ang mga ito kaugnay sa kaso ni Pepito.

Ayon pa rin sa ulat, iniimbestigahan na ang kaso nito ayon sa mga pulis sa Tai Po kung saan nanilbihan si Pepito ngunit wala pang ebidensya na magsasabing may nangyaring krimen dito.

Sa isang ulat naman ng Post, mariing iginiit ng mga amo ni Pepito na wala silang nagawang mali sa Pinay DH.

Hindi raw sila pakakawalan ng mga pulis kung may ginawa silang krimen kay Pepito.

Bukod rito, tumanggi na ang mga itong magbigay pa ng pahayag.

OFW na namatay sa HK, naagapan sana kung naipagamot agad

Photo source: South China Morning Post
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
139 na presong sumailalim sa ALS, nagtapos ng elementarya at high school

139 na presong sumailalim sa ALS, nagtapos ng elementarya at high school

139 na presong sumailalim sa ALS, nagtapos ng elementarya at high school
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel