Mga video kung gaano kalakas ang lindol sa Luzon, agad na naibahagi ng ilang netizens

Mga video kung gaano kalakas ang lindol sa Luzon, agad na naibahagi ng ilang netizens

- Mabilis na naibahagi ng ilang netizens ang nakunan nilang video kung gaano kalakas ang naranasang lindol sa Luzon

- Maging ang arko ng Pampanga ay gumuho sa tindi ng pagyanig sa lugar

- Pinaalalahanan ang publiko na maging alerto at tandaan ang mga dapat gawin habang at matapos ang lindol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na nakapag-post ang ilang mga Pinoy matapos ang magnitude 6.3 na lindol na naranasan sa ilang bahagi ng Luzon maging sa Metro Manila.

Ayon sa ulat ng Inquirer, naganap ang lindol bandang 5:11 ng hapon, Lunes, Abril 22.

Masasaning may kalakasan ito dahil kinailangang lumikas ng ilan nating mga kababayan na nasa loob ng gusali.

Samantala, mabilis na nakapagbahagi ang ilan nating mga kababayan ng mga video na nagpapakita kung gaano kalakas ang naranasang pagyanig sa kanilang kinaroroonan.

Tulad na lamang ng binahagi ng netizen na si Arbby Domingo na nasa ika-38 na palapag ng kanilang condominium sa Sta. Mesa Manila. Kitang kita ang paggalaw ng gusali sa nakuha niyang video footage at inakala niya talagang tutumba na ang kanilang kinalalagyan.

Isang video din ang binahagi ng netizen na si Michael Rivo kung saan nakunan naman niya ang pag-apaw ng tubig mula sa penthouse ng swimming pool sa Anchor skysuite, Ongpin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di ito nalalayo sa una nang naibalita ng KAMI na paglaglag di umano ng ilang kagamitan mula sa ginagawang gusali sa BGC na nilinaw ng ilang netizens na tubig pala mula sa tangke ng building.

Binahagi din ng Pilipino star ang mga larawan ng netizen na si Gizelle Galang Puno kung saan nasira at bumagsak ang arko ng Pampanga sa tindi ng pagyanig ng lindol sa lugar.

Paalala sa publiko na doble ingat sa panahon ng sakuna at maging alerto sa mga dapat habang lumilindol at matapos ang pagyanig.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy doktor na nasa ibang bansa, minaliit si Angel Locsin

Pinoy doktor na nasa ibang bansa, walang kemeng sinabihan si Angel Locsin na 'empty can'

Pinoy doktor na nasa ibang bansa, minaliit si Angel Locsin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel